The Boss Meets Mr. and Mrs. Reid

1K 51 8
                                    

Nadine's POV

1 week. One week since I met this annoying guy! One week ng puro mushy mushy lines. One week ng panggugulo. One week ko na syang fiance. At some point thankful din naman ako sa kanya kasi pumayag sya sa gusto ko. Kaya tiis tiis na lang sa kakulitan ng Reid na to.

Alam nyo ba kung anong nalaman ko? Ayaw nyang tinatawag syang "Robert" HAHAHAHA. Robert James Reid kasi ang full name nya. Nabasa ko yun sa files nya. Syempre no dapat kahit konti may alam ako sa kanya kahit full name man lang nya!

Tawang tawa ko nung tinawag ko syang "Roberto" kinukulit nya kasi ako sa office nung Wednesday!

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa loob ng office ko kasama si James. As usual nandito nanaman sya. Dapat lang daw na lagi syang nandito para mabantayan nya ko kasi sya daw ang fiance ko.

Minsan tuloy napapaisip ako.

Nagpapanggap pa ba kami?

Ah Basta! Ako, para sakin act lang lahat to.

Dito na rin pala sya nagwowork. Ayaw nya daw sa company nila kasi wala naman daw ako dun. Ayaw nya rin sa ibang office gusto nya daw magkasama kami ng office. Take note request nya yan kay Lolo. Kaya etong si ako naman, oo nanaman -_- May magagawa pa ba ko?

Nagbabasa ako ng paperworks ko ng may binato syang kapirasong papel sakin. Syempre napahinto ako sa pagbabasa ko. Binuksan ko yung nakatuping papel.

Hi hon! Busy? :*

Kumuha ako ng ballpen tapos nagsulat ako dun sa papel.

Obvious ba? Nakikita mo naman diba?

Pagkatapos ko binato ko sa kanya sakto tumama sa ilong nya. Napasmile pa sya non tapos binuksan na nya yung papel ako naman tinuloy ko na yung pagbabasa.

Maya maya pa may papel nanaman na tumama sa kamay ko. Tinignan ko sya tapos naglip talk sya ng "Sorry!" tapos nagpeace sign.

Binuksan ko ulit yung papel.

Sungit naman ng misis ko. Naglilihi ka na ba hon?

Nilukot ko yung papel tapos binato ko sa kanya. Letseng to! Kung anu ano pinagsasabi.

"Hoy Roberto! Can you please stop annoying me!" sabi ko tapos nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.

30 minutes. 30 minutes na ang lumipas at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Buti naman diba? Busy ako today!

Tiningnan ko sya. Busy lang sya sa pagpindot sa cellphone nya. Di nya nga ko tinitingnan e. May nagawa ba ko sa kanya?

Maya maya pa. Bigla syang tumayo ng hindi nagpapaalam. So ano naman ngayon sakin kung di sya magpaalam? Di ko naman talaga sya fiance no!

After 1 hour bumalik sya sa office. Wala pa ring kibo. Umupo sya sa swivel chair nya tapos humarap sa laptop nya.

This damn silence makes me guilty! Ano ba talagang nagawa ko? Kasi di ako nagreply sa mini chat namin kanina o pinatahimik ko sya?

Biglang pumasok yung secretary ko. May inabot syang paper sakin pati kay James.

"Ma'am Nadine and Sir James you'll be having a meeting, urgent meeting. You may go now na po sa conference room." sabi nya and then lumabas na.

Inayos ko na yung mga gamit ko sa table. Habang nag-aayos ako, si James naman tumayo na sa upuan nya tapos palabas na sya pero hinabol ko sya. Ano ba? Ang lakas ng topak nito ah!

She's The BossWhere stories live. Discover now