The Boss and Mr. Cheesy

939 50 7
                                    

Nadine's POV

Papasok na ko ng building ng company namin. Typical day I guess? Trabaho,uwi, kain, tulog tapos another day nanaman. Ganun naman lagi diba? Feeling ko nga minsan parang nakakasawa na kasi paulit-ulit na lang yung ginagawa ko.

Naglalakad na ko papuntang elevator ng may marinig akong group of employees na naguusap-usap.

Di siguro nila ko napansin kasi nakatalikod sila sakin. Naghihintay din siguro sila ng elevator. Di ko na sana sila papansin pero nagpintig yung tenga ko sa mga narinig ko.

"Haaay nako guys, makikita nanaman natin ang bruhang boss natin." sabi ni employee na naka-yellow dress.

"Oo nga e, tapos magmamaldita nanaman kung anu-ano nanaman papagawa satin na di naman kasama sa trabaho natin." sang-ayon naman ni employee wearing red blouse.

"Ay korek! Alam mo ba nung nakaraan pinabili ako ng kape tapos inabot ko na sa kanya biglang sabi ba naman ice tea na pala daw gusto nya! Kainis!" sabi ni employee na naka-pink polo.

"Bakit pa kasi sya ang boss natin e pano pa pag naging CEO sya dito? Edi lalong nagyabang yon!" inis na sabi ni employee wearing red blouse.

Mas lumapit ako sa kanila. Sasagutin ko na sana sila ng biglang magsalita ulit yung isa sa kanila.

"Panget na nga! Panget pa ugali! Aba terno!!! HAHAHA!" tawang tawang sabi ni employee na naka- yellow dress.

Nag-apiran sila sabay nagsitawanan. Pabreakfast ba nila sakin to? Well, gusto ko rin silang pakainin ngayon. Promise! My treat!

So lumapit na talaga ko sa kanila.

"Excuse me, di nyo ba naamoy yon?" sabi ko sabay takip sa ilong ko.

Gulat na gulat sila ng makita ako. Yung isa parang automatic na nagkaLBM. Yung gusto na nila umalis kaso di nila magawa.

You want war? I'll give you war!

Umiling naman sila bilang sagot sa tanong ko. Umurong na ba dila nyo?

"Oh! Hahaha, Amoy basura kasi dito. Kayo ba yon? Gosh ang baho ah!" sarcastic kong sabi tapos sabay sabay nanlaki lalo yung mga mata nila.

Tinuro ko yung nakayellow na dress tapos lumapit ako sa kanya at nagsalita.

"Sawa ka na ba sa mukha ko? Well, sadly MAS sawa ako sa pagmumukha mo. Ang sakit mo kaya sa mata! Starting today, I DON'T WANNA SEE YOUR FACE!" sabi ko sabay lapit kay girl na nakared na blouse. Woooh! Bitch!

"Gusto mo bang maging boss dito?" sabi ko tapos tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Kaso di bagay sayo, CHEAP ka masyado." may emphasize yung cheap para dama nya naman yung pagmamahal ko sa kanya.

Lumapit naman ako kay girl na naka-pink na polo.

"Ano bang akala mo dito sa opisina, Ikaw ang boss para di kita utusan? Pasensya ah! Akala ko kasi utusan ka. MUKHA KA KASING MUCHACHA!" pagkasabi ko non bumalik ako kay nakayellow na dress.

Ang special nila diba? May one on one pa sila sakin. Ganyan ko kalove ang employees ko.

Halata mong gusto na nila kong saktan pero hindi nila magawa. Yung mga tingin nila akala mo pinapatay na ko.

Sinimulan nila to, so tatapusin ko. Di naman maganda kung walang ending yung usapan nila diba? So why not give a happily ever after :D

"Sinabi mo bang panget ? Hahaha, Ano ka ba girl wag mong pagsigawan yung pangalan mo! Naeexpose yung baho mo!" sabi ko sakanya tapos lumayo ako and nagcross hands.

She's The BossWhere stories live. Discover now