BLINK 01

1.3K 66 26
                                    

I. Liwanag sa dilim

"Wohooooooo!"

"Go Marcus!"

"Go Papa Marcus!"

Maingay na sigaw ng mga taga brgy. Hinagpis. Nagsimula na kasi ang liga sa kanilang lugar. Ang taong isinisigaw naman nila ay ang binatang si Marcus.

Si Marcus ay kilala sa pagiging magaling nito sa basketball, may kumakalat rin na chismis na may kumukuhang isang sikat na unibersidad sa kaniya ngunit tinanggihan ito ng binata.

Sino ba naman kasi ang hindi bibilib kay Marcus. Masipag, mabait, magaling maglaro, at higit sa lahat umaapaw ang kagwapuhan. Kaya nga madaming gustong makipagkaibigan sa kaniya.

Pero kahit na madaming gustong makipagkaibigan sa kaniya ay wala siyang pinapansin dito, bukod sa isa niyang matalik na kaibigan na si Lucio.

Para kasi sa kaniya, gusto lang siya makilala ng mga tao dahil sa kanyang itsura. Pero si Lucio ay iba, alam ni Marcus na hindi naka-kakita si Lucio kaya hindi nito alam ang itsura niya.

Ibig sabihin hindi bumase si Lucio sa itsura ni Marcus. Naging bukal sa loob niya ang pagiging magkaibigan nila. Kaya ganon na lamang ang pagpapahalaga ni Marcus kay Lucio.

"Last 30 seconds nalang, Pre!" sabi ng isang lalaki kay Marcus.

"Sige, ako ng bahala." maikling sagot ni Marcus.

Naging mainit ang laban ng grupo nila Marcus at kabilang barangay. Kabado rin ang mga manonood sa nangyayari. Nang maagaw ni Marcus ang bola ay siya namang hiyawan ng mga tao.

"Wahhhhhhh!"

"Ishoot mo!"

"Tirahin mo 'ko Marcus! Este Itira mo!"

Kanya kanyang sigawan ang mga tao. Halos lahat ng tao ay nakatingin lang kay Marcus. Inaantay nila ang gagawin ng binata.

"Last 10 seconds!"

Matindi ang pagbabantay na ginagawa ng mga koponan mula sa kabilang barangay. Pero hindi na nag aksaya ng oras si Marcus. Nagpa kawala siya ng isang 3-point shoot.

Halos lahat ay nakatingin sa bola, inaantay kung makakapasok ba ito o hindi. Laking tuwa ng mga tao nang makapasok ito. Halos kasabay lang ng pag shoot niya ang buzzer.

"Yessssss!"

"Wahhhhhhh!"

"Anggg galing mo Marcusss!"

Tili, sigaw at talon. 'Yan ang pinag gagawa ng mga tao dahil nanalo ang barangay nila. Dinumog naman ng mga tao si Marcus. Hindi niya na alam kung masaya lang talaga ang mga tao o gusto lang nila makahipo.

Nararamdaman kasi niya na may ilang humahawak at humahaplos sa pawisan niyang katawan. Pero hindi niya na ito binigyan ng malisya.

"Congrats!" sigaw ng mga tao.

"Lakas mo talaga pre! Muntik na tayo don." sabi naman ng isa sa kagrupo niya.

....

Nakatambay na ang grupo nila Marcus sa isang tindahan. Inilibre kasi sila ng tindera ng softdrinks. Nagkukwentuhan sila at ang iba pa ay nanghinayang dahil sayang daw hindi sila nakipagpustahan.

Pagkatapos nilang tumambay don ay nagkayayaan naman ang grupo na pumunta sa bahay ng isa sa kalaro nila, doon daw sila mag celebrate.

"Pass ako, pre." sabi ni Marcus.

"Ano ba yan pre! Pass ka na naman." hiyaw ng isa.

"Hayaan niyo na 'tong si Marcus, alam naman natin kung saan 'to pupunta." sabi ng isa at sabay akbay sa binata.

Can't You See MeWhere stories live. Discover now