BLINK 05

1.3K 71 34
                                    

V. Madilim na mundo

Lucio's POV

Isang umaga na naman. Wala namang bago sa madilim kong mundo. Minsan ko ng kinuwestiyon ang Diyos. Bakit niya ba ako binigyan ng kapansanan na 'to. Sawang sawa na ko mamuhay sa mundong wala akong makita.

Sana......

Kung totoo man ang Diyos..... Sana ay bigyan niya ako ng isang himala.

Napa upo na ako sa higaan ko dahil nadadama ko na ang sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko. Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi. Inalagaan daw ako ni papa.

Parang totoo ang mga nangyari kagabi pero alam kong hindi posible 'yon dahil puro galit lang ang nararamdaman ni papa sa'kin.

"Apo...? Gising ka na ba?" tawag ni lola mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo, gising na po ako." sagot ko sa kaniya kaya naman narinig ko na ang pagpasok niya sa akin.

"Oh apo ayos ka na ba?" tanong niya sa akin sabay hawak sa noo ko. Nagtaka naman ako sa ginawa ni lola.

"Bakit ho?" balik kong tanong.

"Hayy sabi kasi ng papa mo inaapoy ka daw sa lagnat kagabi. Mabuti na lamang ay gising pa ang papa mo at inasikaso ka." paliwanag ni lola sa akin.

Ibig sabihin totoong inalagaan ako ni papa!? Sa naisip ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko at kasabay non ay napangiti ako ng wala sa oras.

"Talaga ho? I-Inalagaan niya ako?" mangha kong tanong.

"Oo apo. Sabi ko naman sayo, mahal ka niyan ng papa mo kahit ganon siya. Sakit lang talaga sa ulo yang papa mo." ani ni lola mirasol.

"Tara kain na tayo." pagkasabi ni lola non ay inalalayan niya na ako hanggang makarating kami sa hapag kainan.

"Oh Javier gising kana pala umupo ka na diyan at mag almusal na tayo." sabi ni lola.

Narinig ko naman ang pag galaw ng upuan. Indikasyon na umupo na si papa. Kaya naman umupo na rin ako.

Pawang katahimikan lamang ang bumalot sa bahay namin. Nakapagtataka nga ito dahil kadalasan ay pinag-bubungangaan ako ni papa. Pero ngayon ay sadyang napakatahimik niya.

Tanging tunog lang ng kutsara ang umaalingawngaw sa buong paligid. Maya maya ay binasag na ni papa ang katahimikan.

"Ano palang nangyari sa check niyan ni Lucio?" tanong niya kay lola.

"Wala ng bago.... Katulad lang din ng sinibi ng mga dating tumingin sa bata." paliwanag ni lola.

"Tsk... Sabi ko na nga ba." ani ni papa.

"P-Pero may sinabi naman po si Doc Yohan." lakas loob kong sagot.

"Huh? Ano naman 'yon?" sigang tanong ni papa.

"Sa tingin niya po ay may tsansa pa akong makita. Kaya sinabihan niya akong bumisita sa clinic niya minsan." paliwanag ko.

"Talaga apo?!" gulat na sabi ni lola.

"Sus... Nagpapaniwala ka na naman sa mga sinasabi ng ibang tao. Kelan ka ba matututo? Peperahan lang tayo ng mga 'yan." asar na sabi niya.

"Yang mga ganiyang tao mapang abuso yan sila dahil nakakataas sila sa'tin." makahulugang dagdag ni papa.

"Javier ha! Ayan ka na naman."

"Nagsasabi lang ako ng totoo ma!" pagtatanggol ni papa sa sarili niya.

Sa narinig ko ay medyo nalungkot ako. Marahil ay totoo nga ang sinabi ni papa....

Natigil ang diskusyon namin nang may kumatok sa pintuan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can't You See MeWhere stories live. Discover now