BLINK 04

1.5K 65 28
                                    

IV. Haplos

Sasakyan kita
Sa lahat ng gusto mo
Sasakyan kita
Basta't sasakyan mo rin ako~

Rinig na rinig ni Fabio ang malakas na ingay na nagmumula sa videoke ng kapitbahay nila. Napabuntong hininga naman ang lalaki at naisip na sana hindi niya pag sisihan ang paglipat niya dito sa Brgy. Hinagpis.

Mula sa may balkonahe ng naupahan niyang bahay ay tanaw niya ang mga tao. Ang iba pa nga ay nasa tapat ng tindahan at nag chi-chismisan. Bukod sa mga 'yon ay medyo tanaw niya rin ang covered court kung saan maraming tao. Napaisip siya kung anong meron doon.

"Tito!" matinis na sigaw ng isang batang babae. Habang papunta sa kinatatayuan ni Fabio.

"Oh Ino? Anong problema ba't ganyan mukha mo baby?" malambing na tanong ni Fabio sa 4 years old niyang pamangkin.

Sobrang maalaga si Fabio sa pamangkin niya dahil nga doon ay inaakala na ng ibang tao na anak niya ang bata. Sino ba naman kasi ang hindi macucute-an sa batang si Ino, napaka bibo kasi at mataba ang pisngi nito.

"Tito punta po tayo sa labas! Bili tayo don sa may tindahan." pamimilit ng bata sa tito niya.

"Pero diba may binili na 'kong snacks mo? Ayaw mo na ba don?" tanong naman ni Fabio at bahagyang umupo sa harap ng bata para mapantayan ang pamangkin niya.

"Pero titohhh!" pagwawala ng bata. Natawa naman doon ang lalaki.

"Oo na. Lalabas na tayo. Get your slippers."

"Yey!!!" sabi ng bata at nagtatalon pa habang kinukuha ang tsinelas niya.

Palabas na sila ng bahay nila pero may kinuha muna ang pamangkin niya. Kinuha pala nito ang maliit niyang payong. Napangiti naman lalo si Fabio at hindi napigilang pisilin ang pisngi ng bata.

Naglakad-lakad muna sila hanggang makarating sila sa isang tindahan. Kapansin-pansin rin ang mga taong nakatambay dito, may mga lalaking nakahubad baro at may mga babaeng halos makita na ang singit sa iksi ng suot na pang ibaba.

Kaagad naman sila napansin ng mga nakatambay, dama ni Fabio ang kakaibang titig ng mga babae sa kaniya. Kaya umiwas nalang siya ng tingin.

"Ang cute naman ng bata~." halos pang gigilan ng isang babae ang pamangkin niyang si Ino.

"Anak mo?" tanong ng lalaking tambay kay Fabio.

"Hindi. Pamangkin ko." pagtatama niya.

"Ahhh— ay teka nga. Kayo pala yung bagong lipat diyan no?" tumango naman si Fabio.

"Oh kaya pala ngayon ko lang siya nakita.... Anong name mo?" malanding tanong ng babae pagkatapos niyang tingnan taas-baba ang buong itsura ni Fabio.

"Fabio." tipid na sagot ng lalaki.

"Pati pangalan ang gwapo." hagikhik ng mga babae.

"Te kalmahan mo lang."

"Ayan ka na naman, Linda." sabi ng isa pang tambay na lalaki.

"Heh! Manahimik ka nga! Sawang sawa na ako sa mukha niyo no. Buti nalang may bagong mukha na dito sa barangay natin." pagtataray ni Linda.

"Yung bata anong name? Anong name mo baby?" tanong ni Linda sa batang si Ino.

"I-Ino." sabi ng bata sabay tago sa likod ng tito niya.

"Te bawal ka talaga sa mga bata, tingnan mo natakot ata sayo."

"Che! Hindi naman talaga ako para sa mga bata...... Para ako sa mga kagaya ni Fabio." makahulugang sabi ni Linda sabay kindat kay Fabio.

"Bakit pala kayo lumipat dito?" tanong ng isa pang tambay.

Can't You See MeWhere stories live. Discover now