BLINK 03

1.2K 64 42
                                    

III. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

"Bossing tapos na namin ibaba yung mga gamit niyo." sabi ng mga pawisang lalaki na tambay sa bagong lipat na lalaki.

"Ganon ba? Yung mabibigat pwede palagay nalang rin sa may gilid." sabi ng isang lalaki.

"Sige bossing." sagot naman ng iba at binuhat ulit ang ilang gamit at ini-ayos ito.

"Fabio." tawag ng isang babae sa lalaking nag-ngangalang Fabio.

Ang lalaking si Fabio ay kapansin-pansin dahil sa kaniyang laki at taas. Mahahalata mo rin na meron siyang dugong banyaga.

Siya kasi ay may lahing Japanese-
German-Filipino at dahil dito mapapalingon ka talaga sa kagwapuhan niya at sa kaniyang singkit na mga mata.

Half Japanese at half pinoy kasi ang nanay niya, samantalang ang tatay niya naman ay pure German. Dahil nga sa halo halo niyang lahi, ay maraming nahuhumaling sa lalaki.

"Bakit?" tipid na sabi ni Fabio.

"Sigurado ka na ba dito? Paano na sila-." hindi na natuloy ang sasabihin ng babae nang magsalita si Fabio.

"Pwede ba..... Sinabi kong ayaw ko na marinig ang kahit na anong tungkol sa kanila." madiing sabi ng lalaki.

"P-Pero kuya..."

"Umalis ka na. Ako ng bahala dito." utos ni Fabio at siya namang buntong hininga ng babae sabay tango.

"Siya nga pala nasaan na si Ino?" tanong ng kapatid ni Fabio.

"Nasa kwarto ko. Ako ng bahala sa kaniya. Huwag kang mag alala at hindi ko siya papabayaan."

....

"Oh kap. Rico? Ikaw pala...." dinig ni Lucio na sinabi ng lola Mirasol niya sa lalaking kakaupo lang sa upuan kanina ng kaibigan niyang si Marcus.

"Aling Mirasol... Sino ho 'tong kasama niyo?" masayang sabi ni Rico habang hindi maalis ang tingin sa asul na mata ng binatang si Lucio.

"Ah siya nga pala kap. Rico. Si Lucio ho, apo ko." pagpapakilala ni Aling Mirasol sa apo niya. Tumango tango naman si Rico, nag kunwari nalang siyang hindi niya pa kilala si Lucio.

"Hindi naman ho kayo nagsabi Aling Mirasol na may ganito kayo kagandang lalaking apo." walang prenong sabi ni Kapitan Rico.

Sa narinig ni Lucio ay biglang nag init ang kaniyang mga pisngi. Lubos na nahiya siya sa narinig niya. Sa kabilang banda naman, nakita ni Kapitan Rico ang bahagyang pagpula ng tenga ng binata. Napangisi naman siya dahil don.

"Hindi kasi lumalabas ang apo ko gawa ng kondisyon siya...." malungkot na paliwanag ng lola ni Lucio. Narinig naman 'yon ni Lucio at hinawakan niya agad ang kamay ng lola niya.

Bahagyang napansin naman ni Rico ang mabilis na paghawak ni Lucio sa kamay ng lola niya. Napataas naman ang kilay niya sa nasaksihan niya.
Gusto niyang magtanong pero ipinagsawalang bahala niya nalang.

"H-Hindi ho ako nakakakita simula't sapul na ipinanganak ako." kwento ni Lucio kay Rico.

"Ganon ba..... Huwag kang mag alala bata, sigurado akong gagaling ka sa kondisyon mo." makahulugang sabi ni Rico. Magsasalita pa sana si Rico pero nahinto 'yon nang may mag announce ulit.

"Hello po! Mag lunch lang po muna kami. Itutuloy nalang po namin maya maya pagtapos namin kumain. Salamat po!" sabi ng isang nurse.

May mga umalma naman na kanina pa daw sila nag aantay ay wala naman silang nagawa. Inintindi nalang nila 'yon. May lumapit rin sa pwesto nila Lucio na isang tanod.

Can't You See MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon