10: Kaibigan

31 3 0
                                    

Isang salita, isang tao
Na kapag pinapasok mo sa iyong mundo,
ang mundong magulo ay magbabago.

Dadalhin ka ng pagbabago na yun sa ibang dimensyon.
Kaibigan, isang tao na nakakatakot pagkatiwalaan.
Kaibigan, isang tao na kahit di mo kaano ano susugal ka pa din na pagkatiwalaan kahit na may pangamba ka sa ideya na paano kung dumating ang araw ng aking kinakatakutan?

Yung kinakatakutan ko na pinagkatiwalaan ko ito bilang kaibigan pero bigla kaming sabay na humawak sa pintuan ng isang katapusan?

Kaibigan, isang salita
Kaibigan, isang tao
Nais kong sabihin sa iyo,
Manatili ka man o lumisan,

SANA MANATILI KA PA DING MAPAG KAKATIWALAAN.
LAHAT NG KWENTONG SA PAHINA NG ATING LIBRONG NAISULAT AY MANANATILI DAPAT NA NAKATAGO AT BUHAY SA PAGITAN LANG NATIN, dahil laman ng bawat kwento na naibahagi natin sa isa't isa ay aklat ng mga sikreto. Sikreto na di dapat nirereto.

'Sang Malamig Nights (San Mig Nights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon