15: Ganun Pala Ako Sa'Yo

19 2 0
                                    

Di ako perpektong tao.
Di ko ipinangako na maging perpekto na kaibigan.
Isang araw, may isa akong pangako na napako.
Napako dahil bilang tao, may iba din akong obligasyon sa mundo.

Obligasyon na naipaliwanag ko sayo.
Pero, hindi mo naintindihan,
Dahil ang galit mo ay ay nakatuon sa pangako na napako.

Una sa lahat, di ako perpekto.
Sa panahon ng pagiging imperpekto ko.
Doon ko nakita na ganun lang pala ako sa'yo

Na ang dali sayo na sabihin na ayaw mo na akong pakinggan.
Kaya nawalan din ako ng pagkakataon na mas ipakita ang katotohanan na madami akong obligasyon kaya ang pangako ko ay napako.

Pero hindi ka nakinig, pinairal mo ang galit.

Kaya, ngayon sa pangagamusta mo, wala na akong pakialam.

'Sang Malamig Nights (San Mig Nights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon