Chapter 2

129 18 2
                                    

GEORGE

Ang mga patak ng tubig na bumabasa sa kahoy na inaapakan ni Luffy ay nagmula sa basang damit ng babaeng buhat-buhat niya.

Ang taong itinakda para bigyan ng pangalawang buhay. Ang taong na inakala niya ay lalaki dahil sa pangalan nitong George.

Nababasa na din ang kasuotan niya mula sa babaeng walang malay na nasa mga bisig niya. Ang malay sa pangalawang buhay nito na nagmula sa kanya.

Maputla at may maliit na tila gasgas sa magkabilang panga nito ng sulyapan niya ang mukha ng babae.

May pulang likido na humahalo sa tubig na bumabasa sa braso niya mula sa likod ng ulo nito.

Sugatan ang babae. Hindi niya tiyak kung paano nito nakuha ang mga iyun.
Well,dapat pa ba niya alamin pa yun?

Wala naman sinabi sa kanya ang Haring-bituin at Reynang-bituin na alamin pa ang kinamatay ng babae lalo na alamin ang tungkol sa buhay nito.

Nagawa na niya ang kanyang misyon at dahil naaawa siya sa kalagayan ng babae ay marahil hihintayin na muna niya ito magkamalay bago niya gawin ang mga pinlano niya.

Paano kapag nagising na siya? Tiyak tatanungin nito kung paano ito nabuhay muli?

Sa mga katanungan iyun ng isip niya ang siyang nag-iwan ng katanungan din niya sa sarili.

Kailangan pa ba niya ipaliwanag rito ang nangyari?

Ang mga dating bituin na mga kaibigan niya? Ano ba ang ginawa ng mga ito pagkatapos ng mga ito ibigay ang pangalawa buhay sa nakatakda sa kanila pagbigyan?

Pinaliwanag ba nila ang nangyari?

Pinaalam ba ang tungkol sa pangalawang buhay?

Bakit ba hindi niya muna inusisa sa Haring-bituin at Reynang-bituin ang tungkol sa mga iyun?

Tama. May naisip siya. Hahanapin niya ang mga dating bituin kahit sino mauna sa mga ito para alamin ang mga ginawa ng mga ito noon.

Mula sa telebisyon ay napapanuod ni Luffy ang isang lalaking na nagbabalita sa harapan ng nakatutok na camera. Isang araw na ang lumipas wala pa rin malay ang babae na nasa silid sa taas ng bahay na kinaroroonan niya.

Malapit ang lugar na kinatatayuan ng bahay iyun ang nakikita niya sa screen ng telebisyon.

Tumayo siya at lumabas patungo sa terasa kung saan agad na tumama sa kanya ang hangin-dagat. Mula sa kinatatayuan niya ay sa di kalayuan ay tanaw niya ang mga tao at ilan tagamedia na nagtipon-tipon sa pahabang lakaran na tila tulay. Sa karagatan naman ay may mga nag-iikot na ilan nakauniporme na tila may hinahanap.

Mula sa labas ay naririnig niya ang sinasabi ng nagbabalitang lalaki.

"Ayon sa ama ng nawawalang babae,George Faith ang pangalan nito. Ang kotse na nasa aking likuran ay pag-aaari ng nawawalang anak nito at pinaghihinalaan ng mag-asawa ay nagpakamatay ang babae. Tumalon sa dagat at nalunod at kasulukuyan nga na pinaghahanap ng mga search and rescuer ang bangkay nito kung sakali nga tumalon ang dalaga sa dagat. Hinihintay pa ang pag-ahon ng mga divers na siyang lumusong sa ilalim ng dagat upang hanapin ang katawan nito..."

Nagpakamatay?

Tila hindi siya sang-ayon sa sinabi iyun ng taga-balita. Kung nagpakamatay ito bakit may tinamo itong kalmot at gasgas sa ibabang bahagi ng mukha ng babae. Ang likod ng ulo ng babae ay malaki ang pinsala.

Iyun ba ay pagpapakamatay?

"Ayon sa ama ng nawawalan dalaga na si Goerge Faith ay isang taon na ang nakakalipas ng mamatay ang unang asawa nito na ina ng nawawalang dalaga. Wala ibang maisip na dahilan ang bagong kinakasama ni Mr.Faith na si Ms.Debona na marahil ay kalungkutan at pangungulila ang nagtulak sa dalaga na magpakamatay ito,"patuloy ng tagabalita.

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now