Chapter 11

74 7 2
                                    

VISIT

Naiintindihan naman niya ang sitwasyon niya. She need to be careful and stay in the safe place. Pero habang dumadaan ang mga araw nararamdaman na niya na mag-isa lang siya. Hindi siya kuntento na nakikibalita lang sa mga ito. Update sa imbestigasyon ni Vivian sa kaso niya. Update sa lagay ng shop niya mula kay Luffy.

She want to do something. She have to do something. She want to be useful. She don't want to feel alone.

"Ayos ka lang ba?"puna sa kanya ni Luffy habang pinagsasaluhan nila ang niluto niyang hapunan nila.

Nag-angat siya ng tingin mula sa plato niya na hindi pa ganun nababawasan mula ng magsimula sila kumain.

Mataman na nakamatyag sa kanya ang binata.

Hindi niya naman maikukubli dito ang pinagdadaanan niya dahil siguradong kitang-kita naman kung anong hitsura niya.

"May nararamdaman ka ba? Kanina ko pa napansin na matamlay ka?"may himig na pag-aalala sa boses nito.

Isang pilit na ngiti ang pinukol niya rito . Nakakahiya naman na pati ito ay maapektuhan sa kamiserablehan niya.

"Ayos lang ako,"tugon niya saka ibinalik ang mga mata sa plato.

"Pwede mong sabihin sakin kung anuman ang nararamdaman mo,George. Tayo lang dalawa ang magkasama dito sa bahay kaya kung pwede sana sabihan mo ako kung anuman ang nasa isip mo o nais mo gawin. Kaya ko naman gawin na kahit anong bagay na imposible sayo,"sabi nito na kinaangat niya muli ng tingin rito.

She bite her lower lip.

"George,"pagsambit nito sa pangalan niya na may kalakip na pananaway.

Marahil ang pagkagat niya sa kanyang labi na iniisip nito na sinasaktan niya ang sarili.

Tinigilan niya iyun saka bumuga ng hangin.

"Gusto ko na may gawin ako. Bukod sa paglilinis at pagdidilig sa mga halaman sa labas. Araw-araw iyun lang ang paulit-ulit na ginagawa ko habang kayo inaayos niyo yung dapat ako ang umaayos o gumagawa,"mahaba niyang litanya ng hindi na niya mapigilan pang maglabas ng totoong nararamdaman.

"I feel useless. Araw-araw ko yun nararamdaman kahit sinasabihan niyo naman ako ng mga nangyayari pero...i-i---feel alone,"dagdag niya at sa huli ay halos pumiyok dahil sa pagpipigil ng emosyon niya.

"Pero ayaw ko naman na...masayang ang pagtulong niyo sakin kung paiiralin ko yun pagiging feeling useless ko,"tiimbagang niyang sabi pa.

Naikuyom niya ang mga palad habang hawak ng isa ang kutsara.

"Gusto mo bang bumisita sa shop mo?"

Natigilan si George sa narinig.

"Pero---masyadong malaking abala na sayo kung dadalhin mo pa ko dun,"pag-iling niya kahit gustong-gusto niya ang alok nitong iyun.

Isang mainit na kamay ang humawak sa nakakuyom niyang palad na nasa gilid ng plato niya.

"George,hindi ka abala at hindi abala sakin na gawin ang kung anuman ang gusto mo. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako sa lupa at habang nandito ako..pwede kang humiling sakin ng kahit ano na pwede ko ibigay sayo,"sinsero nitong sabi sa kanya. "Makikinig din ako kung may gusto kang sabihin. Negatibo man o positibo. Magsalita ka lang nasa sayo ang dalawa kong tainga,"dugtong nito.

Ang pinipigilan emosyon na namumuo sa dibdib niya ay tuluyan ng kumawala.

Pumatak ang mga luha sa mga mata niya na kaagad niyang pinanusan gamit ang braso.

"S-Sorry,uh..tsk. I-I don't want to cry b-but..an--"

"Ayos lang,George. Huwag mong pigilan. Ayokong pigilan mo ang sarili mong nararamdaman nandito lang ako,"saad nito.

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now