Chapter 6

85 13 2
                                    

POLICE

Luffy amazed how so beautiful and amazed to see the sun rising in the morning. Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na siya. He just walking around where the ocean is so calm and so peaceful.

Nasaksihan niya ang pagsikat ng araw. Sa lupa ay napakaraming magagandang bagay na gusto niya makita at maranasan pero alam niyang limitado lamang ang pananatili niya rito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil bago pa siya umapak sa lupa ay nakamind set na sa kanya na panandalian lamang ang pananatili niya sa lupa. Hindi siya dapat nahuhumaling ngayon sa pagtatanim ng mga halaman at bulaklak.

Ang kagustuhan na makita ang pagsikat ng araw at paglubog sa hapon.

Pero ang pagtatanim ang bagay na gustong-gusto niya gawin. Hindi niya akalain na magiging isang environment lover siya gayun kalawakan lang ang kinagisnan niya.

Abala si Luffy sa pagdidilig ng mga tinanim niyang halaman sa harapan ng kanyang bahay ng maulinigan ang pagbukas ng pintuan mula sa loob ng bahay.

Mula sa kinatatayuan niya ay tahimik na pinakikinggan niya ang mga yabag nito at ng bawat galaw nito. Patungo ang yabag nito sa kusina.

May nakahanda ng pagkain para sa kanila ni George. Madali lang naman magprito ng itlog at hotdog. May machine naman para sa kape at toaster.

Ayon kay Wendel. Sila lang daw dalawa  ang magkasama sa bahay kaya mainam na lagi sila sabay kumain. Boring daw kasi mag-isa kumain,ayon dito pero may palagay siya na may iba pang ibig sabihin iyun.

Kasi habang sinasabi ng dating bituin iyun ay may kislap ng kung ano ang ngisi nito.

Tsk. Tsk. Malaki ang pinagbago ng dating bituin. Mas masaya ito kaysa noon nasa templo pa ito.

Kitang-kita niya ang epekto ng pag-ibig rito at wala naman siya nakitang di magugustuhan sa asawa nito si Vivian.

Kaya hindi nakakapagtaka na nahumaling ito sa isang tao.

"Magandang umaga,Sir!"

Napukaw si Luffy sa pagbati iyun ng isang lalaki.

Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ay may dalawang lalaking na nakasuot na uniporme ng isang pulis ang nakatayo sa labas ng mababang bakod na gawa sa kahoy.

Nilingon niya ang kabahayan. Gising si George at may posibilidad na makita ito ng mga pulis kung bigla ito lalabas na hindi nakikita ang mga ito.

Kalmante na binitawan ni Luffy ang pangdilig niya saka lumapit sa kinatatayuan ng dalawang pulis.

"Magandang umaga ulit,Sir!"pagbati muli ng naunang nagsalita.

"Magandang umaga din sa inyo,"pagtugon niya.

Sumulyap ang dalawa sa likuran niya at kalmante lamang siya habang nakatingin sa mga ito.

"Ah,Sir. May gusto lamang sana kaming itatanong. Nabalitaan niyo ho ba na may insidente na nangyari noong nakaraan araw doon sa may boardwalk?"umpisa ng pulis na may katangkaran.

Tinutukoy nito ang lugar kung saan natagpuan ang sasakyan ni George na pinaghihinalaan na doon nagpakamatay ang dalaga.

"Sa telebisyon,"maiksi niya sagot.

"Yes,Sir. At kami ay nag-iimbestiga sa mga bahay-bahay kung saan malapit ang pinangyarihan ng pagkawala ni Ms.George Faith,"anang ng isang pulis na may katabaan.

Natigilan si Luffy ng maramdaman ang pagtigil ni George sa paggalaw nito sa loob ng bahay.

Luffy heave a deep sigh.

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now