Chapter 4

178 21 3
                                    

OFFICE

Hindi niya inaasahan sa kabila ng misyon niya ay kailangan niya masaktan at sa mismo pa sa maswerteng tao na binigyan niya ng bituin ng buhay.

Gusto niya magreklamo sa babae pero inunawa na lamang niya dahil base sa ginawa nito ay gusto lamang nito matiyak na ligtas ito. Inisip na lang niya na kahit siya ang nasa kalagayan nito matapos dumaan sa kapahamakan hindi kaagad ito magtitiwala na sa kahit kanino.

Nagpakawala siya ng hininga habang nararamdaman ang sakit sa braso at balikat niya kung saan marami natamong tama mula sa pagpalo nito ng kahoy.

"Luffy can explain it to you,"si Vivian na pumukaw sa kanya mula sa pananahimik niya.

Sinulyapan niya ang babae na tahimik lang nakaupo sa kaparehas ba inuupuan niya.

Binaling niya ang tingin sa mag-asawa na naghihintay ng sasabihin niya.

He criss cross his arms then bumaling sa katabi na nakatingin na din sa kanya.

"Natagpuan kita na wala ng buhay sa ilalim ng tubig, "deretsahan niyang sabi.

"Nandito ako sa mundo niyo para bigyan ka ng pangalawang buhay,"dugtong niya.

Ibinaling niya ang tingin sa mag-asawa na tahimik pa rin at nasa katabi naman niya ang tingin ng mga ito.

Ibinalik niya ang tingin sa katabi. Tulala ito at awang ang mga labi.

Napabuga siya ng hininga. "Sa madaling salita,nabuhay ka ulit at dahil iyun sa binigay ko para mabuhay ka ulit,"patuloy niya.

Nakaawang ang mga labi nito na bumaling sa mag-asawa. Tila pinapakompirma na totoo nga ba ang lahat ng sinabi niya.

Nagpakawala siya ng hangin. Well,it's up to her if she believe in him or not the most important here is his mission is already done.

"Ms.Faith,ang ibig niyang sabihin ay patay ka na binuhay lang ulit. Si Luffy ay nagmula sa templo ng mga bituin kung saan ang misyon nila ay magbigay ng buhay o bumuhay ulit ng namatay na,"si Vivian.

"Isa din ako bituin pero dati na yun dahil pinili ko manatili dito para makasama ko ang pinakamamahal kong asawa na siyang misyon ko na buhayin ulit,"anang ni Wendell saka niyakap ang asawa na napailing na lang.

"Yes,hindi ko pinaniwalaan nung una dahil hindi naman kapani-paniwala na may mga katulad nila na kayang bumuhay ng tao pero kalaunan ay natanggap ko din dahil malaki ang pasasalamat ko na nabuhay ulit ako,"si Vivian.

Ibinalik ng katabi ang tingin sa kanya.

"Alam mong patay ka na sa ilalim ng tubig,tama?"untag niya.

"Nakarating ka sa isang lugar at hindi ka rin nagtagal dahil...hindi mo pa oras para mamatay,"dugtong niya.

Nanlaki ang mga mata nito saka nasapo ang ulo.

"I can't believe it!"bulalas nito na tila sarili lang nito ang kausap.

"Maiintindihan mo rin unti-unti. Hindi mo kailangan madaliin pero ang mahalaga ngayon ay malaman kung sino ang pumatay sayo,"si Vivian.

Agad na napaangat ng mukha ang dalaga ng marinig ang sinabi ni Vivian.

"Inihulog niya ko sa tubig..nagkasagutan kami sa shop. Hinampas niya ang ulo ko ng matigas na bagay kung bakit nawalan ako ng malay at nagising na hila-hila niya ko hanggang sa mahulog ako sa tubig,"pahayag ng dalaga saka umangat ang kamay nito sa likod ng ulo nito.

Suminghap ito napabaling sa kanya.

"W-wala na ang sugat sa ulo ko,"usal nito.

"Huwag ka mag-aalala,habang wala kang malay kinuhanan ko ang mga natamo mong sugat bilang ebidensya,"si Vivian.

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now