Chapter 7

83 12 0
                                    

IDEA

Tinanaw ni George mula sa mataas na bahagi kung saan mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang boardwalk. Ang mismong lugar kung saan nangyari ang malagim na karanasan sa buhay niya.

Alalang-alala pa niya kung paanong unti-unti siyang nalulunod.

She don't know how to swim!

May mga tama pa siya sa ulo kaya mas lalo iyun nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi. Pagkamatay niya.

Naikuyom ni George ang mga palad habang iniihip ng panghapon hangin na nagmumula sa karagatan ang kanyang buhok.

Wala man ng bakas sa katawan niya ang sugat at galos ay hinding-hindi mawawala sa alaala niya ang kanyang dinanas sa kamay ni Leticia.

"Nandito na sila Vivian,"si Luffy.

Kaagad na nilingon ni George ang binata ng marinig ang boses nito. Nakapamulsa ito sa suot na pants. Tinatangay ng hangin ang malago nitong buhok na medyo wavy.

Nagsimula na naman ang pagtambol sa dibdib niya.

Hindi naman siya ignorante kung anong dahilan ng nararamdaman niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.

She admit that she admired him. Ah,having crush on him? Well,Luffy is look so fine with his manly feature. Matangkad at katamtaman lang ang laki ng katawan. Hindi payat,hindi mamasel. Kumbaga,fit and lean ito na may six pack abs sa ilalim ng suot nitong T-shirt.

Bigla uminit ang magkabilang pisngi niya.

Kailan pa siyang natutong magpantasya sa isang lalaki?!

Jusko,hindi nga niya alam kung sino ba naging crush niyang celebrity eh.

Think of it. After your father done. Cheating on your mother..saad ng isang sulok ng isip niya.

Yes,she remember now. Mula ng malaman niyang ang ginawa ng kanyang ama. Iyun na din ang naging tingin niya sa lahat ng mga lalaki. Marami din nagtangka na ligawan siya pero lahat ng mga iyun naudlot dahil mabilis na nirireject niya ang mga ito.

Trust issue. Iyun ang dahilan kung bakit hindi siya nagtangka na pumasok sa isang relasyon.

Napasinghap si George ng kung may anong nakalapat sa nuo niya. Nang mahamig ang sarili mula sa malalim na pag-iisip ay umawang ang mga labi niya ng makitang nakalapat ang dulo ng hintuturo nito roon.

"Kapag malalim ang iniisip mo. Kumukunot ang nuo mo,"saad nito na mataman na nakatitig sa kanya.

Parang kakapusin na siya ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso niya!

Nanlaki ang mga mata ni George sa sunod na ginawa ng binata. Nilapat nito ang kamay sa nuo niya na tila ba sinasalat niyun ang balat niya kung may lagnat ba siya o wala.

"Hindi bagay sayo ang nakakunot ang nuo,"wika nito na lalong kinalaki ng mga mata niya.

It's a compliment,right?

"Parang kasi tumatanda ang hitsura mo kapag nakakunot ang nuo mo,"saad nito na kinahigit niya ng hininga.

No,it's not a compliment!

Bago pa man siya makareak sa sinabi nito ay tinanggal na nito ang kamay sa nuo niya saka sinuksok muli sa bulsa ng pants nito.

"Isa ka sa mga magagandang babae sa mundong ito,"wika nito na kinatigil ng pagtibok ng puso ni George.

This time,she know it's a real compliment. A genuine one.

"Hey,you two there!"

Tila naman natauhan si George ng marinig ang boses na iyun. Lumilipad na pala siya kanina dahil sa papuri iyun.

Starry Starry Love Series 6 : Luffy EvenWhere stories live. Discover now