![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Makitid
Malabo
Mailap
Sabi nila delikado raw ang pupuntahan ko
Sabi nila wag na raw akong tumuloy
Sabi nila wala kang pag-asa dyan
Sa bawat buka ng bibig nila-sa bawat paninira nila ng kumpiyansa ko lalo lamang akong nagnanais na makarating doon
Doon sa di ako pamilyar, Sa daang alam kong maliligaw ako-ngunit alam kong doon ko makikita ang saysay ko
Doon sa lugar na di tiyak ngunit alam kong may kalalagyan ako
Maraming mang gustong sabihin ngunit di ko muna wiwikain hangga't di ko pa nararating ang nakatadhana sa akin
Marami pang pagdadaanan-ngunit susuong pa rin
2021
![](https://img.wattpad.com/cover/336435791-288-k662855.jpg)