Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Noon sabik akong makita ang pagkalat ng dilim mula sa maliwanag na dapithapon. Nakakamanghangpanoorin ang unti-untingpagtakas ng liwanag at pagsapit ng dilim.
-----
Ngunit ngayon sa tuwing sasapit ito para bang may di pangkaraniwan akong nararamdaman. Di saya, ngunit pangangamba na sasapit na naman ang gabi. Mamamaalam ang liwanag at sa pagsapit ng dilim gagambalain na naman ako ng mga bisitang di ko nais papasukin.
Tatakbo sa karimlan, matitisod hanggang sa makatulog na lamang.
Kung anong sayangdulot sa akin ng takipsilim noon.
Ganoon rin ang lungkot na dulot nito sakin ngayon.