Buwan

10 2 1
                                    

Photo not mine credits to the rightful owner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo not mine credits to the rightful owner

Nasabi ko na ba kung gaano kahalaga sa'kin ng buwan?

Sa tuwing sasapit ang gabi siya ang natatanging gising na dilat sa lahat ng argumento namin ng sarili ko.

Nakamasid at saksi sa ilang beses kong pagkatalo. Kapag wala ang buwan, mag-isa na lang akong nakamasid sa kadiliman.

Di ko alam ngunit may kakaiba sa buwan, maraming gabi na rin kasi akong di makatulog. Kung ang dilim para sa iba ay pahinga sa'kin naman pinapatay nito ang hininga.

Di ko alam kung alam mo pero—nawa'y makatulog ka rin nang mahimbing.

Na sa pagsapit ng dilim di ka na matatakot mapag-isa kahit wala ang sinag ng buwan.

Nawa'y panatagin ka ng isipan, tanggapin ang mga bagay na nangyari.

Nawa'y sa pagsapit ng buwan—mawala na ang pangamba at mga bakit na walang kasagutan.

Dahil katulad ng buwan, kahit ilang yugto man ng buhay mo ay pira-piraso—darating din ang panahon na mabubuo ang bawat bahagi nito.

JB|2022
LARAWAN MULA SA GOOGLE

Tago, tagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon