'di kita ipinagdarasal at ayoko pang ipagdasal
'di ako handa kung sakaling dumating ka man
'di ko maibibigay ang mga emosyon na dapat mong maramdaman
Kung sakaling mapatingin ka saking mata, maaari bang ilihis mo ang direksyon sa iba
'di maling makaramdam ngunit ayokong magsinungaling na kaya kitang pagtuunan ng pansin
Ang sarap makaramdam ngunit 'wag muna ngayon, malulunod ka lamang sa mga pangamba na mayroon ako ngayon.
2021