Stupidly In Love

3K 63 3
                                    

Stupidly In Love

by PekengKyoot

 

Valentines day ngayon at nag-aayos ako para sa date namin ng boyfriend kong si Aron. Simple lang naman ang date namin, malling at kakain sa labas. Hindi naman pabonggahan ang date, diba? Basta mahal mo ang ka-date mo, magiging the best ang moment.

I'm Joycie Campos. Third year college na ako, magka-batch kami ng boyfriend ko sa parehong university.

Habang nagsusuklay sa harap ng salamin, kusa nalang nag-stretch into smile ang mga labi ko. Ang bilis ng panahon. Parang dati crush ko lang si Aron, pero ngayon pagmamay-ari ko na.

"ATE, BUMABA KA NA! NANDITO NA SI KUYA ARON!" sigaw ng kapatid ko mula sa baba.

OMG. Nasa baba na daw ang mahal ko.

Nagmadali kong kinuha ang purse ko na nasa kama. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin bago lumbas ng kwarto para puntahan ang boyfriend ko.

"Hi, ganda!" sabi niya pagkalapit ko sa kanya.

Inirapan ko nga. Eto na naman siya sa pangbobola niya.

"Wag mo na ngang bolahin si Ate, Kuya Aron. Ang pangit pangit niyan e," komento ng kapatid kong si Jovert. Magkatabi silang nakaupo ni Aron sa sofa at naglalaro ito sa tablet niya.

"Epal ka!" Lumapit ako sa kanya at sasapakin na sana siya ng biglang dumating si Mama at inawat ako.

"Joyce, ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na wag kang papatol dyan sa kapatid mo?"

"Ang epal kasi e," katwiran ko.

"Anong epal. Pangit ka naman talaga ah."

Natawa nalang si Aron sa bangayan naming magkapatid.

"Osya, baka masira ang mood mo. Sige na at umalis na kayo, baka gabihin pa kayo."

Tumayo na si Aron tapos sabay kaming naglakad. Bago pa man kami tuluyang makaalis ng bahay, may pahabol pa ang nanay ko. "Palala lang, iho at iha, hanggang holding hands, yakapan at kiss lang muna. Saka na yung mga daring na bagay."

Kahit sabihing one year na kami ni Aron, hindi ko talaga maiwasang mahiya sa sinabi ng nanay ko. Sino ba naman kasing hindi, diba?

Sumagot si Aron na talaga namang ikinatuwa ko at lalo akong na-turn on sa kanya. "Wag po kayong mag-alala, malaki po ang respeto ko sa anak niyo."

Oha! Ang swerte ko sa boyfriend ko, noh? Ha-ha! Kaya nga mahal na mahal ko yan e. Hindi kasi siya gaya ng ibang lalaki na nagti-take advantage sa girlfriend. Oo, nilalandi niya ako minsan. Pero in a way naman na nakakakilig at hindi in a way na nangmamanyak. Tsk, kung san san na napunta ang usapan na ito.

Oneshot Stories CollectionWhere stories live. Discover now