Boy Geek & Girl Popular

2.9K 55 2
                                    

Boy Geek & Girl Popular

written by PekengKyoot

 

Mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko siyang nakatayo sa tapat ng wishing fountain. Nakangiti siya habang pinapanood ang pagtaas-baba ng tubig sa fountain.

 

Sino siya?

 

Siya ang babaeng bumago ng buhay ko. She has everything that every girls' would envy for  and every boys' wish to have as a girlfriend.

 

My lips automatically stretch into a smile when my favorite day plays in my mind. The day I first met her, and the day my heart started beating so fast because of her...

 

 

***

 

"Ano, huh? Lalaban ka?" maangas at mayabang na tanong ni JR saka ako sinipa sa sikmura.

Napaungol ako sa sakit habang sila ay nagtawanan pa. Mag-isa akong nagpapahangin kanina dito sa field nang mapagtripan na naman ako ni JR at ng barkada niya.

"Tama na, please," pagmamakaawa ko. Pinipilit kong ibangon ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. Namimilipit na ako sa sakit na gawa nila.

"Napakatalunan mo talaga kahit kelan, Zeo!" insulto ni Emong, isa sa barkada ni JR. Hinila niya ang kwelyo ko at sinalubong ng suntok.

Muli akong bumagsak sa damuhan at napaubo nang may kasamang dugo.

"Sino kaya ang talunan sa inyo?"

Naglaho ang mala-demonyong tawa nila nang may boses anghel ang nagsalita. Hindi ko makita kung kanino nanggaling ang magandang boses na iyon dahil pinalilibutan ako ng mga barkada ni JR including him.

"Princess," mahinang banggit nila. Princess pala ang pangalan ng nagmamay-ari ng maamong boses na iyon.

Mga tulala sila at para bang natataranta.

"If you guys think na matatapang at malalakas kayo, well you thought wrong. Kayo ang talunan dahil pinapatulan niyo lang ang taong alam niyong hindi kayo papatulan. Hindi siya ang talunan. Kayo."

Nakiramdam ako sa paligid. Hindi nakaimik sila JR. Nang tumingin ako sa kanila, para silang mga batang pinagsasabihan ng nanay: mga nakayuko at tahimik.

"Sige na, umalis na kayo. If this will happen again, I swear you'll say goodbye to this university," she warned.

Parang mabagsik na tigre na naging maamong pusa ang mga lalaki. Nagpasalamat sila dito at nangako na hindi na mauulit. They even apologized to me. What a weird bunch of guys. Tss. Makasabi ako ng weird, e ako nga itong madalas na tinatawag na ganun.

Oneshot Stories CollectionWhere stories live. Discover now