I'm The Worst Boyfriend

4.3K 101 28
                                    

I'm the Worst Boyfriend

by : PekengKyoot

Copy Right © 2013

All Rights Reserved

Any resemblance to any person , dead or alive , is purely COINCIDENCE !!

Hanna's POV

Ako si Hanna Punzalan , 2nd year college at BSBA  ang course ko . Pareho kami ng course ng pinaka-mamahal kong boyfriend na si Johnny Park . Half Filipino-Korean sya , kaya nga sobrang gwapo e .

Sikat sya sa university namin . At aakalain mo bang ang isang Hanna Punzalan slash Nerd ang girlfriend nya ? Ang dami ngang nagsasabi na niloloko lang daw ako ni Johnny , pero di ko sila pinapansin .

"Hanna , tara na sa library . Gagawa pa tayo ng report diba ?" si Dylan yan . Blockmate at kaibigan ko . Gwapo at sikat din yan , pero syempre mas gwapo pa rin si Johnny .

"Sige ." sabi ko at pumunta na kami sa library .

Magkatabi kami sa isang table at nagre-research para sa report namin bukas .

Matapos namin mag-research , naglakad na kami palabas ng school .

"Hanna , gabi na pala . Gusto mo hatid nalang kita pauwi ?"

*vibrate* *vibrate* *vibrate*

1 message recieved

From : Baby ko

      punta k dto s condo ko .

- - - E N D - - -

"Uhmm  .. Dylan  , thank you nalang . Pero pupunta pa 'ko sa condo ni Johnny e ."

"Hiwalayan mo na yang boyfriend mo ." seryoso nyang sabi .

"Dylan naman e .. alam mo namang mahal na mahal ko yun ."

"Tss . Basta kapag natauhan ka na , andito lang ako ." sabi nya tapos umalis na .

*Johnny's Pad*

"Sino yung kasama mo kanina sa library ?" tanong ni Johnny .

Andito kami ngayon sa kwarto nya . Naka-upo sya sa kama nya at naka-sandal sa headboard . Ako naman nakatayo at hawak-hawak ko pa yung dalawa kong libro .

"Ah .. si Dylan yun . Yung blockmate ko ."

 

"Wag ka ng lalapit dun ."

"O-osige ."

Oneshot Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon