This Crazy Little Thing Called LOVE

4.1K 76 5
                                    

This Crazy Little Thing Called Love

 Written by: Genevieve // PekengKyoot

Ang storyang ito ay ang kwento ni Bryle at Cozy kung paano naging SILA. Sa mga hindi po nakakaalam, sila po yung nasa She’s My Karma, hindi nga lang sila yung pinaka-main characters.

“Friendship, pupunta dito si Bryle!” pasigaw na sabi ni Deny.

Wala pa kasi yung teacher namin kaya andito kami sa tapat ng pinto ng classroom nakatambay.

At ito namang si Deny, talagang binuksan pa ng bonggang-bongga yung pinto. Iwe-welcome daw nya ang pagdating ni Bryle. HALERR ?? Sayang kaya yung aircon! Atsaka, as if naman na first time pupunta dito nung Bryle na yun, eh halos araw-araw nga pumupunta dito sa classroom namin yun eh.

Anyway, I’m Cozy Smith. 14 years of age and sophomore highschool. Kasalukuyan kong tinatali ang buhok ko ng walang suklay-suklay. Ginulo-gulo ko pa yung buhok ko. So , maraming strands  ng buhok ko ang nakalaylay na ngayon.

“Bakit mo naman ginanyan yung buhok mo, huh, friendship?” tanong naman ni Aly.

Si Deny at si Aly nga pala ang aking long-time-friendship. Haha.

“Ano pa ba? I made my hair messy lang naman.”

“What for?” –Deny

“Para ma-turn off sa’kin yang Bryle na yan.”

Binatukan naman ako nung dalawa. HangSaket ah!

“Alam mo, Friendship…. ANG BUANG MO! Ang swerte mo nga at sa’yo nagka-gusto ang campus hearthrob natin eh.”-Aly

“Yah. Yah. Eh sa ayoko pa magka-boyfriend eh! I’m too young for that kind of thing.”

“Eh pwede mo naman syang kaibiganin or what. Wag mo lang syang pinagtatabuyan. Kawawa naman yung tao.”-Aly

Sasagot na sana ako kaso nagsalita si Deny ng, “Here comes Bryle.”

Napa-irap nalang ako.

Lahat ng classmates kong babae including gays, halos maglaway na at himatayin na sa kilig dahil nakikita na naman nila si Bryle.

Fine! I admit it. Cool sya. As in SUPER COOL.

“Uhh….C-Cozy, for you.” He said handing me a bear.

I stared at it. Color pink na bear sya, tapos may hawak ito na red rose.

Tinulak naman ni Deny yung balikat and gave me a ‘take-it’ look.

So, I grabbed the bear. I glanced at Bryle who has a wide smile on his red lips, then looked at the bear again.

“Ayoko. It’s not color blue at all.” I said then gave the bear back to him. Naglakad ako palabas ng classroom and passed him.

“Ahm.. sorry. Kami na humihingi ng sorry dahil sa inasta ng Friendship namin. Ganyan talaga yan eh. Di tumatanggap ng gifts kapag hindi color blue.” Narinig ko pang sabi ni Aly.

Di ko na narinig kung ano man yung isasagot ni Bryle at wala akong pake dun.

Alam nyo, nakukulitan na talaga ako sa lalaking yun eh. Kahit anong pagtatabuyan ang gawin ko sakanya, parang wala lang sakanya. Di ba nya alam na lalo lang syang masasaktan sa ginagawa nya?

*****

“Grabe ka talaga, Friendship! Kawawa naman si Bryle. Lagi mo nalang pinagtatabuyan.” Said Aly.

Oneshot Stories CollectionWhere stories live. Discover now