Chapter One

2.2K 54 2
                                    


ISINUMPA ni Aura sa sarili na ang una't huli niyang pagtungtong sa Hacienda Kristine ay nang magbigay-galang ang pamilya ni Don Rafael Fortalejo sa labi ng nakatatanda nitong kapatid na si Don Leon.

Bagaman tumuntong siyang muli sa Villa Kristine nang panahong binalak ng kanyang amang si Don Rafael na bawiin ang kapatid niyang si Krizelda na itinanan ng isang taga-Paso de Blas ay hindi masasabing binali niya ang sumpa pagka't hindi sila nanatili roon ng matagal.

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang ikasal sina Gabriel at Krizelda matapos na sa wakas ay ipagkaloob ni Don Rafael ang basbas sa dalawa. Isang engrardeng garden wedding ang ginanap sa Hacienda Aurora. Kasama sa mga dumalo ang angkan ng namayapang si Don Leon Fortalejo.

Isang buwan na nagpulot-gata ang mga bagong kasal sa iba't ibang bansa sa Europa. At nang magbalik ang mga ito ay inanyayahan si Aura na magbakasyon sa Paso de Blas.

Pinagbigyan ni Aura ang imbitasyon ng kapatid dahil sa pansariling kadahilanan.

At binali niya ang sumpang hindi kailanman muling tutungtong sa Hacienda Kristine.

"Como esta, Margarita?" bati niya sa babaeng hindi naitago ang pagkabigla nang walang pasabing dumating siya sa Villa Kristine.

Saglit lamang ang pagkabiglang iyon, at nang makabawi ay hinalikan siya ni Margarita sa magkabilang pisngi.

"Hindi ka nagpasabing darating ka ngayon, Aura. Hindi ako nakapagpahanda para sa isang salusalo."

Ngumiti siya at lihim na natuwa nang maramdamang natetensyon si Margarita. "Hindi ba may kasabihan: Dumarating ang magnanakaw sa oras na hindi inaasahan ng sambahayan? At nakatitiyak akong ang ibang tao ay ganoon ang tingin sa akin."

Alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi ni Margarita. "Oh, nonsense, Aura! The saying doesn't fit you. Hindi ka tulad ng isang magnanakaw."

"I know, Margarita, I know... Hindi matatawag na magnanakaw ang isang tao kung kukunin niya ang isang bagay na kanyang pag-aari."

"Aura..."

"Am I welcome here? Kung hindi, ngayon din ay aalis ako."

"You are most welcome, Aura." Iginiya siya ni Margarita papasok sa villa. Inutusan ang isang kawaksi na kunin sa kotse ang mga dala-dalahan ng dalaga.

"Magtatagal ka ba rito?" tanong ni Margarita nang maupo sila sa dalawang antigong silyang nasa tapat ng bintana.

Mula roon ay matatanaw ang mausuleo ng Familia Fortalejo, na mistulang isang bahay na natatanuran ng mga puno at halaman.

"Hindi ako magtatagal, Margarita, huwag kang mag-alala," walang pagbibiro sa himig ni Aura. Ibinaling niya ang paningin sa bintana at tinanaw ang mausuleo. "Isinumpa ko sa aking sarili na ang una't huli kong pagtuntong sa Hacienda Kristine ay nang mamatay si Leon... pero kailangan kong magbalik dito para sa isang bagay..."

"Hindi kita maintindihan," tumiim ang anyo ni Margarita.

"Hindi mo nga maiintindihan dahil natatakot kang intindihin." Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Aura at muling ibinaling ang paningin sa babae. "¿Peudo preguntarle una cosa, Margarita?" May I ask you something? ibig sabihin niya.

"Tungkol saan?"

"Ano ang naging dahilan ng ikalawang atake ni Leon?"

Nakita ni Aura na naging uneasy si Margarita. Iniiwas nito ang mga mata na para bang may nais itago.

"I have no response to such question," tugon nito.

"Wala kang alam, Margarita?"

"Nasa Maynila siya noon nang mangyari ang ikalawang atake. Itinawag sa amin ng kanyang sekretarya ang nangyari ngunit hindi sinabi ang dahilan. Maging ang papa'y hindi ko mapaamin."

Kristine Series 06: Kapirasong PapelWhere stories live. Discover now