Chapter Seven

1.5K 48 1
                                    


KINAGABIHAN, habang naghahapunan ay nagpaalam si Aura sa mga Redoblado na sa susunod na araw ay babalik na siya sa Cantabria.

Nalungkot si Guada sa nalaman at itinanong kung ano ang naging dahilan ng biglaang pag-uwi gayong hindi pa tapos ang bakasyon ng dalaga.

Nagsinungaling si Aura. Alam iyon ni Krizelda. "Nagkaroon ng kaunting problema sa kompanya na dapat kong asikasuhin. Dadaan lang ako sa Hacienda Aurora bago lumuwas ng Maynila."

"Sayang, hindi pa tayo nakakapamasyal aalis ka na. But be sure you'll come back. Anytime, welcome ka rito," ani Laura.

"Oo nga naman, hija," si Rodrigo.

"Thank you," aniya.

May sasabihin si Gabriel nang biglang tumayo si Miguel at walang paalam na lumabas.

Natahimik ang lahat sa ikinilos ng binata.

"Oh, pasensiya ka na kay Miguel, hija. Siguro'y mayroon lamang problema," hiyang-hiyang pagpapaumanhjn ni Guada.

"Siguro nga, Mama. Kanina'y naabutan ko sila ni Vivian sa kuwadra. Umiiyak si Vivian at pilit inaalo ni Miguel," ani Gabriel.

"Pinaiyak ni Miguel si Vivian? Why?" tanong ni Laura sa kapatid na tila hindi makapaniwala.

"I don't know."

I know why, sa isip ay sabi ni Aura. Siguro'y nagseselos siya sa akin, kaya bago pa ako makagulo sa relasyon nila ni Miguel ay aalis na ako.

Pagkakain ng hapunan ay pumanhik na sa kuwarto ang mag-asawang Gabriel at Krizelda. Nasa sala at nagkakape si Aura kasama si Laura at ang mag-asawang Redoblado. Mula kaninang umalis sa hapag si Miguel ay hindi na nila ito nakita.

Nagkakasayahan pa ang mga Redoblado nang magpaalam si Aura na magpapahinga na. Sumang-ayon ang mga ito na nakikita ang pagod sa mukha ng dalaga.

Pumanhik sa itaas si Aura at nang makapasok sa kuwarto'y sinigurong naka-lock iyon. Ayaw niyang makapasok si Miguel at baka kung ano na naman ang mangyari sa kanila. Hindi siya nakasisigurong sa ikalawang pagkakataon ay mapanghahawakang muli ang self-control.

Kahuhubad lamang niya ng suot na bestida upang magpalit ng pantulog nang may maramdaman siyang movement sa loob ng walk-in closet.

Kinakabahang napahawak siya sa dibdib. Pakiramdam niyang may mga matang humahagod sa kanyang kabuuan. Ang tanging suot niya'y itim na bra at bikini. Hindi niya maintindihan kung bakit naaasiwa siya gayong wala namang ibang tao sa kuwarto.

Muli ay nakaramdam siya ng movement sa loob ng walk-in closet.

Dahan-dahang lumapit doon si Aura, marahang itinulak ang pinto. Gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Miguel, at kung hindi maagap na natakpan ng binata ang kanyang bibig ay napasigaw siya.

"What are you doing? Let me go!" Pinilit niyang makawala sa mga bisig nito na parang bakal na nakapulupot sa baywang niya.

"No!"

"Ahi va!" bulalas niya.

"Yes, damn me if I let you go!"

"Sisigaw ako kapag hindi mo ako binitiwan!"

Nakakaloko ang ngiti ni Miguel. Upang hindi makasigaw ay hinalikan siya nito sa mga labi, mariin.

Naghahabol ng hininga si Aura nang pakawalan nito.

"D-damn you! Papatayin mo ba ako?" naluluhang akusa ng dalaga kay Miguel

"No. I only want you to be delirious," panunukso nito at bumaba ang mga halik sa leeg ni Aura. "Beautiful..." bulong nito nang marahang kagatin ang kanyang earlobe.

Kristine Series 06: Kapirasong PapelМесто, где живут истории. Откройте их для себя