Chapter Three

1.7K 51 1
                                    


WALANG maririnig sa loob ng Land Cruiser kundi ang mahinang awitin ni Nat King Cole na nagmumula sa car stereo. Mahigit isang oras din mula sa Villa Kristine hanggang sa farm ng mga Redoblado. Ibig sabihing isang oras na nakatikom lang ang bibig ni Aura habang binubusog sa magagandang tanawin ang mga mata.

Wala yatang balak si Miguel na kausapin siya, at siya ma'y ganoon din.

Palihim niyang pinag-aralan ang lalaki habang nakatuon ang atensyon nito sa pagmamaneho. Mula sa mga braso nitong mabalahibo, na sa tuwing ililiko ang manibela ay naglalabasan ang mga masel na naghahatid sa kanya ng impresyong masarap sigurong makulong sa mga bisig nito.

Sa hindi obvious na paraan ay pinagmasdan niya ang mukha nito. Makakapal ang kilay sa ibabaw ng expressive eyes. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labing tila kaysarap humalik. May one week old beard ito na siguro'y nakakakiliti kapag sumayad sa balat niya.

Straight ang buhok nito na nahahati sa gitna at humahalik sa noo ang unahan.

Bumaba ang mga mata niya sa dibdib nitong mababakas sa suot na polo shirt, na ang mga manggas na nakatupi ay nagpalantad sa mamasel na braso. Nasisilip niya ang mga balahibo sa dibdib nito dahil sa hindi nakabutones ang polo shirt.

Hindi pa niya naranasan ang makipag-sex. Kahit noong maging nobyo niya si Clark ay hindi sila umabot sa puntong iyon. Minsan itong humiling, but she refused.

Hindi niya minsan man naramdaman kay Clark ang nararamdaman niya kay Miguel ngayon. At natatakot siya sapagka't isang bahagi ng isip niya ang nagsisimulang magpantasya sa lalaki. Tinitingnan pa lamang niya ang mabalahibong dibdib nito'y nanunuyo na ang lalamunan niya.

Lord, napakalakas ng atraksiyon sa kanya ng lalaking ito at natatakot siya!

"Nakapasa ba ako sa standard mo?"

tanong ni Miguel na nakapagpaangat ng mukha ni Aura mula sa pagkakatitig sa mga hita nitong humahapit sa suot na pantalong maong.

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. At nagtawa si Miguel sapagka't hindi niya nagawang ikubli iyon.

"I don't know what you're talking about!" Upang makabawi sa pagkapahiya ay naggalit-galitan siya. Inis na napahalukipkip.

Lalong nagtawa si Miguel.

"What's funny, huh?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. She was acting like a child, at huli na iyon nang ma-realize niya.

"You're looking at me like a specimen," panunukso ni Miguel.

Nagngingitngit si Aura ngunit hindi na lamang sumagot pa. Alam niyang hahaba lamang ang usapan kapag pinatulan niya ang pambubuska ng lalaking ito.

Nakarating sila sa farm ng mga Redoblado na hindi naaalis ang ngitngit sa dibdib niya. Ngingiti-ngiti naman si Miguel na parang nakakaloko.

Nang makapasok sa malaking bahay ay agad siyang nagtungo sa kuwarto nina Gabriel at Krizelda. Nakasunod sa kanya si Guada. Hindi niya nakita kung saan nagpunta si Miguel.

"Aura..." Nangilid ang luha ni Krizelda nang maupo siya sa gilid ng kamang kinahihigaan nito.

Nakaupo sa kabilang gilid si Gabriel at halata sa mukha ang pag-aalala habang hawak ang kamay ng esposa.

"Shh, don't cry, princess," aniyang nakasa-nayang tawaging princess si Krizelda kapag may malaki itong problema. "Everything will be all right. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Not so fine," ani Krizelda at pinahid ng tissue ang luha sa mga mata. "God, Aura, muntik nang mawala ang first baby namin!"

May simpatiyang sinulyapan niya si Gabriel na mapait na ngumiti.

Kristine Series 06: Kapirasong PapelWhere stories live. Discover now