Chapter Five

1.5K 55 0
                                    


MALIWANAG ang pool side at mayroong mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain sa isang tabi habang nakakalat ang mga mesang inookupa ng mga panauhin. Mayroong unoccupied space para sa mga nais magsayaw.

Pumapailanlang ang isang waltz na sinasaliwan ng halakhak ng mga nagka-kasayahang bisita.

Pawang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Redoblado ang naroroon nang gabing iyon.

Alas-siyete ng gabi nang magsimula ang kasayahan. Paroo't parito ang mga tagasilbi ng pagkain at inumin.

Magkakasama sa isang mesa sina Aura at Laura, gayundin si Gabriel na nakaalalay sa asawang si Krizelda.

Si Miguel ay nasa mesa ng pamilya ni Vivian sapagka't halos ayaw nang pakawalan ng babae.

"Hindi ko alam kung ano pa ang inaayaw ni Miguel kay Vivian. Bagay na bagay naman sila, hindi ba, Gabriel?" ani Laura na nangingiti habang tinitingnan ang nakatatandang kapatid.

"Alam mong ayaw ni Miguel sa babaeng siyang humahabol-habol."

"C'mon, Gabriel, alam mong ganyan lang talaga si Vivian. But deep inside, she's a very conservative person. I know her values and stand about morality," pagtatanggol ni Laura sa kaibigan.

Lihim na napangiti sa narinig si Aura. Hindi siya makapaniwalang may pagka-conservative si Vivian, na parang sawang nakapulupot ang mga braso sa baywang ni Miguel.

"You're trying to say na baligtad na ngayon ang mundo, Laura. Na ang mga tulad ni Vivian ang conservative at ang mga katulad mo ang hindi, ganoon ba?" panunudyo ni Gabriel sa dalagang pinamulahan ng pisngi.

"You're a brute! Hindi ko nga malaman hanggang ngayon kung bakit napaniwala mo si Krizelda," ganti ni Laura.

"Ang brutong 'yan ang minahal ko, Laura, at kasama na ang kanyang pagiging bruto," si Krizelda, na lagi na'y nakahawak sa impis pa namang tiyan.

Naputol ang pag-aargumento ng magkapatid na Laura at Gabriel nang lumapit sa mesa nila ang mag-asawang Guada at Rodrigo.

Nagniningning sa kaligayahan ang mga mata ng matandang babae at magandang-maganda ito sa suot na bestidang kulay asul, maria clara-style ang manggas at halos sumayad na sa lupa ang haba.

Si Rodrigo, na bagaman mayroon nang mga uban ay makisig na makisig sa suot na amerikanang kulay asul. Mababakas ang labis na pagmamahal sa mga mata nito sa tuwing tititigan ang esposa.

Nakikita ni Aura kay Rodrigo ang kaanyuan ni Miguel kapag tumuntong na sa ganoong edad.

"You look fabulous, Ma," ani Gabriel na tumayo upang halikan ang ina. "And you're very gallant, Sir," anito sa ama.

"Oh, thank you, hijo. You're a flatterer," si Guada.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?"

baling ni Rodrigo kay Krizelda.

"I'm okey now. Hindi pa nga lang puwedeng sumayaw ng cha-cha," pabirong sagot nito.

"Are you enjoying yourself, Aura?" tanong ni Guada sa dalaga.

"Yes, of course."

"Nasaan nga pala si Miguel?"

"Hayun at hindi na naalis sa tabi ni Vivian, Mama," ani Laura. "He's coming," dugtong pa nang makitang nagpaalam ang kapatid sa mga kasama sa mesa upang lumapit sa kanila.

Naiwang nakasimangot si Vivian.

"You're marvelous, Ma. You're the most beautiful mother in the world," si Miguel na humalik sa pisngi ni Guada.

Kristine Series 06: Kapirasong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon