Chapter 26: Regret

4 0 0
                                    

3 days later

"Kalat na sa balita ang nangyari so I don't have a choice but to suspend you to play until you sort out your mess, Xyreina"

"But trials take a lot of time"

"Yeah so hindi ka muna makakalaro this season"

...

.

.

Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ko habang inaayos ang mga gamit. Tahimik lang ang teammates ko nung dumaan ako. Hindi rin naman ako makakalaro so uuwi nalang ako.

Biglang may yumakap sa'kin kaya napatigil ako.

"Naniniwala akong hindi mo kasalanan 'yun" Allison said na ikinangiti ko. It's good to hear na may naniniwala sa'yo.

"Ano 'yan bakit kayo lang nagyayakapan?"

"Oo nga! Sali kami!!"

"Group hug!!!"

Dinambahan na nga ako ng mga teammates ko at nagyakapan kami.

"We support you always, Xy"

"Mag training ka parin ha! Para di ka lalong mangulelat sa laro"

"Mamimiss ko ang pasaway naming libero" Ani cap.

Matapos yun ay balik na sila nang training while lumabas na'ko para umuwi. Napagaan talaga nila ang pakiramdam ko but sa ngayon gusto kong mapag isa lalo na ay uuwi na mamaya si Dad.

"Xy!" Napalingon ako sa pamilyar na boses. Tinignan ko naman ang smart watch ko at napakunot ang noo. Maaga ba ang dismissal? Why is she here? "I heard what happened. Is it true?"

Malungkot na tanong nito sa'kin at nginitian ito.

"Yes but c'mon cheer up it's not the end of the world. I can still play next year"

Niyakap ako nito at naramdamang nababasa ang damit ko.

"Sorry, it's my fault" aniya habang humihikbi

"It's MY fault. Don't beat yourself to it" Ani ko. Hindi naman talaga ako galit at never na isisi sa kaniya ang nangyari. It's an accident after all.

****

"Pa'no kana ngayon niyan" Ani dad na mahinahon.

Nasa veranda kami at nag memeryenda since napaaga ako umuwi at hindi na pumasok since wala ako sa mood. I expected na sisigawan ako nito pero hindi naman nangyari. Kani kanina lang din ito nakauwi at alam kong may jetlag pa ito.

"Babawi po ako"

"It was your dream to play on national level tapos masasayang ng isang taon ang paghihirap mo"

"Ayos lang talaga sa'kin dad"

"Of course ayos lang sa'yo kasi gusto mo ang nakagawa nun at hindi mo magawang magalit pero if it was yourself you'll probably cry and regret everything"

Damn. That hit a nerve. Nagsalita ito muli "It's okay, let it all out. Dad is here sweetheart, you can lean on me"

As if on cue, the emotions I've been better bottling up inside for the past few days came out in the form of tears.

"Kung hindi lang ako masyadong nag train nung araw na yun, hindi ganon kapagod ang katawan ko at makaya pa mag drive, hindi sana siya ang nasisi ng lahat" I said habang naiiyak

"But a worse case may happen if you'd do that in your condition that time. Wala naman na tayong magagawa, it already happen so let's fight in the court now that her family is already firm with their decision to cover up the real cause of death"

HirayaWhere stories live. Discover now