Chapter 17: Hello Kin!

6.8K 146 3
                                    


Yhina's POV



May pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari sa araw na to? La! ewan ko kung bakit, siguro na babaliw lang ako. -.-

Kumakain kami ni Aki sa bahay namin, Siya kasi nagluto ngayon. Hindi pa naka balik si Manang eh. Ang Sarap niya pong magluto. Ideal husband talaga siya. Gwapo pero bipolar, Badboy pero under ko siya hihi, mabait pag maykailangan, marunong magluto kaya super love ko.

"Sasabay ka parin ba saakin Yhina?" tanong niya,Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot.

"Ahmm, Oo. Kung Okay lang sayo?" tumawa siya saka ako sinagot



"Oo naman! Okay na okay! Sabay rin tayo mag lunch ah. Libre mo." Natawa naman ako sa sinabi niya pero tumango rin.

-

Bumaba na kami sa kotse saka niya ako hinalikan sa lips ng smack lang at dahil sa mababaw ako kaya ito nag blush nanaman ako.

"I love you." Napangiti ulit ako.

"I love you too." Sabi ko saka siya hinalikan sa cheeks and he blushed. Ehh, Yan lang pala katapat mo eh!

we bid our goodbyes and walked to an oppsite directions.

Habang naglalakad nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko mula sa bulsa,

Kin Calling..

Ba't napatawag siya? Binawaliwala ko ang tanong ko saka sinagot ang tawag niya.

"Hello,Kin?"

[Hey! I'm back!]

"Really? That's good."

[Aren't going to pick me up?]

"Pwede namang ikaw nalang diba? May klase pa ako eh."

[Magtatampo ako sa'yo pag hindi mo ako sinundo.]

 

"Fine, Wait me there."

*toot toot*

Hay, Kahit kailan ka talaga Kin! Patay talaga ako kay Aki! Kaya hindi nalang ako magpapaalam!

Makapara nga ng taxi.

-

Felix' POV

Nandito ako sa labas ng room nina Yhina, Hinintay ko siya.

Hanggang sa naglabasan na pero hindi ko siya nakita, Ang huling lumabas ng room ay si Felis ang bestfriend ni Yhina. Hinarang ko siya para magtanong..

"Bakit?" tanong niya na naka kunot noo.

"Nasaan si Yhina?" Mas lalo naman na kumunot ang nuo niya.

"Hindi mo ba siya kasama? Akala ko kasi kasama mo siya, Absent siya eh."Ako naman ang kunut nuo ngayon.

"Stop playing jokes! Bakit siya aabsent? Sabay kaming pumasok kanina!" Nasigawan ko tuloy siya. TSK! Nasan na ba kasi si Yhina?

"Aba malay ko!— Ah! Baka sinundo si Kin! Ngayon na ang uwi niya!" Napalitan ng galit ang expression ko. Sinundo niya si Kin ng hindi man lang nagpaalam sa'kin?

Naglakad na ako paalis at hindi pinansin ang bestfriend niya.

Lagot ka sakin gagong Kin ka! PINAPAKIALAMAN MO NA ANG AKIN!

**

Felis' POV

Dahil sa chismosa ako, Sinundan ko ang Galit na Felix.

Sumakay siya sa kotse niya at agad in akong sumakay sakin para sundan siya.

Akala ko pupuntahan niya sina Yhina pero pumunta siya sa.. Tambayan ng mga kaibigan niya?

Para sabihin ko sa inyo, Hindi po loner si Felix. May mga kaibigan siya, Hindi niya lang pinapakilala dahil wala siyang paki. Dati kasi madalas niyang kasama ang mga kaibigan niya at nung ikinasal na siya ay hindi na niya madalas kasama ang mga kaibigan niya lalo na at nag trasfer ang mga ito dahil na kick-out.

Tumigil ako panandalian at kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ang bruha kung bestfriend.

Calling Bestfriend...

[Hello Felis? Ba't napatawag ka?]

"Nagkaproblema ba kayo ni Felix?"

[Huh? Ni Aki? Hindi naman,Bakit?]

"Bakit parang—Ay hindi.. Galit talaga."

[anong ibig mung sabihin?]

"Kasama mo ba si Kin? Hindi ka ba nagpaalam kay Felix?"

[Oo, Kasama ko si Kin..at hindi rin ako nagpaalam kay Aki.]

"Aws, Kaya naman pala. Okay! Goodluck mamaya"

*toot toot*

Haha! Lagot ka talaga Yhina!

I don't share.
-

Yhina's POV

Nakarating na kami ni Kin sa bahay namin ni Aki. Sa totoo lang, Kinabahan ako kay Felis kanina. Hindi ko sana dadalhin rito si Kin pero nagumilit siya kaya wala akong nagawa.

Kumakain kami ng Dinner ng biglang bumukas ang pinto dahil para kabahan at mapatayo ako.

Lagot!

Nandito na si Aki!

Tumakbo ako papuntang salas at sinalubung siya, Hinalikan ko siya sa cheeks pero hindi niya nagawang matuwa. At mas lalong hindi siya natuwa ng lumabas si Kin mula sa Kusina.

Tinignan niya ako ng masama at ibinaling ang atensyon kay Kin.

"Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?!" Napapitlag ako sa sigaw ni Aki at kumapit sa braso niya.Hindi man lang natakot si Kin at ngumisi pa.

"Pamamahay rin to ni Yhina at may karapatan akong pumunta dito dahil mahal namin ang isa't isa." Nakangising sabi ni Kin and this time si Aki nanaman ang naka ngisi habang naka yuko ako.

"Mahal niyo ang isa't isa? Nagpapatawa ka ba Kin? Ba't hindi mo tanungin si Yhina?" Nakangising sabi ni Aki,Inangat niya ang ulo ko saka ako hinalikan sa harap ni Kin, Nagulat ako pero tinugun ko rin yun at nakalimutan ko panandalian na nandito si Kin.

"Ngayon, Mahal ka pa rin niya?" Napatingin ako kay Kin na ngayon ay naka kuyom ang kamao.

"Oo, Hanggat hindi sinasabi ni Yhina ang totoo. Hindi isang halik ang magpapatumba saakin Felix." Seryoso nitong sabi. Napayuko ako at naramdaman ko nalang ang mainit na likido na dumaloy sa pisnge ko. Mahal ko na nga si Aki pero hindi ko kayang makita si Kin na nasasaktan.

"Sabihin mo nalang sakanya Yhina, Para hindi na siya umasa at masaktan pa." Huling sabi ni Aki bago ako hinalikan sa noo at umakyat na siya sa itaas. Hindi ko kayang tumingin kay Kin.

"S-Sorry..Kin.." Putol putol na sabi ko dahil sa pagiyak. Tinignan ko siya at unti unting tumulo ang luha sa mga mata niya.

"So, Totoo nga?" Tanong niya at dahan dahan akong tumango..

"Shit!" Rinig kung sabi niya at tuluyan ng umalis. Napaluhod ako sa sahig, Nasaktan ko ang taong naging importante rin sa buhay ko.

Pero wala akong nagawa dahil mahal ko si Aki..

At mas ayaw ko siyang masaktan. I need to ne selfish to find my own happiness.

-
Revised!

Secretly Married [Under revision]Where stories live. Discover now