Chapter 18: Kin's Expression

6K 144 2
                                    

Kin's POV

It's been a week, A week since she hurt me.

Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng pagpapaiwan ko dun, Sana hindi ko nalang yun ginawa.

Tama nga.. NASA HULI ANG PAGSISISI.

Galit ako... Hindi kay Yhina kundi sa sarili ko.

At sa loob ng isang linggo, Hindi rin ako pumasok. Hindi ko kayang harapin ang mga gagawin nila.

May kumatok sa pinto pero hindi ako nag abalang pagbuksan iyon dahil nakabukas naman.

"Anak, Hindi ka parin ba papasok? Baka ma drop kana." Nagaalalang wika ng aking ina pero hindi ako umimik.

"Anak, May dala rin pala akong pagkain. Kumain ka ha?" Ayaw kong masyadong nagaalala si Mama kaya tumango nalang ako.

Nung nakalabas na siya, Tumulo ulit ang luha ko.. Sheyt.

"Anak.." Nagulat ako, Dahil akala ko nakalabas na si Mama. Umupo siya sa gilid ko saka niya ako niyakap.

"Pwede mo naman akong sabihan eh." Naiiyak na sabi rin ni Mama, Kaya niyakap ko rin siya pabalik. Mas mabuting sabihin ko to sakanya dahil mapapagkatiwalaan siya at bukod dun, Sasabog narin ako paghindi ko 'to nailabas.

"Si Yhina po.." Sa pagbanggit ko sa pangalan ni Yhina tumulo nanaman ang luha ko. Nakakabakla pero hindi ko kayang pigilan.

"Bakit? Anong nangyari kay Yhina?" Napakalas si Mama sa yakap dahil sa tanong niya.

"She loves Aki." Diretso kung sabi saka ako niyakap ni Mama.

"Shhh.. Tahan na anak. Makakahanap ka rin ng para sayo, Tiwala lang.." Kahit alam kong kunting pursyento lang yan eh tumango ako.

Yhina... Bakit? Nagkulang ba ako?

-
Pagkatapos ng usapan namin ni Mama ay nakatulog na ako. Nandito parin ako sa kwarto ko, Hindi ako lumabas at hindi ko rin kinain ang dinala ni Mama. Ayaw kung magkasakit pero wala akong ganang kumain.

Tulala lang ako, Nakatingin sa kawalan hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Yaya.

"Sir, May bisita po kayo." Sabi ng Yaya kaya nagtaka ako pero sa huli..

"Sige, Papasukin mo.." Tumayo ako saka pumunta sa Veranda ng kwarto ko at tinanaw ang buong City, Kahit umaga pa ay maganda ang paligid ano pa pag gabi?

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko at hikbi lang nito ang naririnig pero kilala ko kung sino to pabango palang..

"Kin...Sorry.." Napaiyak rin ako sa sinabi niya. Bat pa ako madaling maiyak?

"Yhina.." Iyak at hikbi lang namin ang maririnig mo sa buong kwarto..

"I'm sorry Kin.." Patuloy nitong sabi, Umiling ako at humarap sakanya..

"No.. I'm sorry Yhina for being stupid, I didn't mean to.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa napaiyak nanaman ako.

"I Love you Yhina... And I'm letting you.. go.." Masakit para sa'kin na sabihin yun pero kailangan..

"Thank you.. Makakahanap ka rin ng para sayo Kin.. I wish all the best for you.." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya..

"I Love you Yhina... I'm letting you Go, But It didn't mean that I'm Giving up on you.. I'll make you fall for me..AGAIN, Because You're Mine.."

-
Revised!

Secretly Married [Under revision]Where stories live. Discover now