16

20 1 0
                                    

eris 🔒
@eriskadito

ay shutangina naiwan ko airpods ko
↪ sana may dala si hao huhuhuhu




——




Miciela Eris’ POV




“Ugh! Sa lahat ba naman ng araw ngayon ko pa naiwan airpods ko.” Inis kong sabi habang nililigpit ko ang gamit ko sa bag dahil sa pagkalkal ko para mahanap ang airpods ko, “Kahit ung wired earphones ko wala, napaka-burara ko talaga.”



Bigla naman akong nakarinig ng katok mula sa pinto kaya dali-dali akong lumabas para pagbuksan ng pinto si Hao, “Sandali lang!”



Mas nilakasan pa niya ang katok kaya nainis ako, narinig naman niya ako ah! Kulit talaga!




Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko siyang sinamaan ng tingin, “Sabi ko ‘sandali lang’ hindi ka makapaghintay?”



“Eh naiinip na ako tsaka ang init kaya.” Sagot niya saka niya ako pinaningkitan ng mata, “Bakit mukha kang bruha?” Turo niya sa buhok ko.



Napahawak naman ako bigla sa buhok ko, shet gulo-gulo pala buhok ko. Agad ko namang inayos ‘yon, si Hao naman ay pumasok na sa loob at nilapag ang paper bag na dala niya sa lamesa.



“May panali ka?” Tanong ko sakanya.



Napangiti naman ako nang makita ko na may suot siyang hair tie sa wrist niya, tinanggal niya ‘yon at binigay sakin, “Oh.”



“Thanks!” Sabi ko pagkakuha ko ng hair tie mula sakanya.



Habang inaayos ko ang buhok ko para maitali ko ‘to, napansin ko na nakatingin lang sakin si Zhang Hao, “Ano?” Medyo hindi clear ang pagkakasabi ko dahil kagat-kagat ko ‘yung panali.



Umiling siya, “Wala.” Sabi niya saka niya ako tinalikuran at umupo sa sofa, “Pagkatapos mo diyan kumain ka na, lalamig ‘yung pagkain.”



After tying my hair, umupo na ako sa tabi niya, “Wow! 24 chicken!” Masayang sabi ko kasi favorite ko ‘yung binili niya.



“Sana magka-pakpak ka sa kakakain mo ng manok.” I glared at him pero tinawanan lang niya ako, “May hinahanap ka ba kanina? Mukha kang aligaga eh.”



“Naiwan ko airpods ko.” Sagot ko.



“Deserve.” Sabi niya kaya hinampas ko siya, “Aray ah!”



“Ang pangit talaga ng ugali mo.” Sabi ko sakanya, bigla naman siyang tumayo at tiningnan ko kung anong gagawin niya. Nakita ko na may kinukuha siya sa bag niya, kinuha niya ang headphones niyang color black saka siya umupo ulit dito sa sofa.



Nagulat naman ako nang ilagay niya sakin ang headphones niya. Hindi agad ako nakagalaw dahil na rin sobrang lapit lang namin sa isa’t isa, both of his arms are on my side and his face is right infront of me. Ganito ba talaga ka-perfect ang mukha ng lalaking ‘to tsaka tangina, ang bango niya.




“Ayan, gamitin mo muna. Alam ko namang hindi ka makaka-focus sa gawain mo kapag wala kang pinakikinggan na music eh.” Sabi niya bago siya lumayo sakin at umayos na ng upo sa tabi ko pero ako nakatingin lang ako sakanya.



“Can I kiss you?” I asked.



He immediately glanced at me, nung una gulat pa siya pero bigla siyang ngumisi.



“Kapag hinalikan kita, baka hanap-hanapin mo.” He said without taking off his smirk on his lips.



Ako naman ang ngumisi saka ko nilapit ang mukha ko sakanya, “Talaga? Baka ako ang hanap-hanapin mo.”



“‘Wag mo akong subukan, Eris.”



“Gawa.” Paghahamon ko sakanya.



Tiningnan niya muna ako sa mata ko bago niya ibaba ang tingin sa labi ko saka siya unti-unting lumapit.



But my phone suddenly rang kaya napapikit ako sa inis, si Zhang Hao naman ay tawa nang tawa.



“Maybe next time, Eris.” Then he winked at me.





Rock With You (Boys Planet Epistolary Series #2) | Zhang HaoWhere stories live. Discover now