57

13 1 0
                                    

hao 🔒
@z.haodump

hindi ko matiis, hindi ba talaga kita pwedeng lapitan?
↪ gustong-gusto na kitang lapitan, eris...





——





“Sure kang hindi ka pa uuwi, Eris?” Tanong ni Seunghwan.



Eris nodded, “May gagawin pa ako dito sa studio kaya maiiwan muna ako dito, mauna na kayong umuwi.”



Seunghwan still hesitated pero wala na rin siyang nagawa dahil desidido talagang magpaiwan si Eris, “Sige, ingat ka pag-uwi mo mamaya ah. Chat ka lang sa gc kapag nakauwi ka na.”



“Ingat rin kayo.” Sagot ni Eris, the others also bid goodbye to Eris. Maliban kay Zhang Hao na hindi makalapit sakanya.



Zhang Hao just looked at her hoping that Eris will talk to her pero wala, dalawang araw na silang hindi nagpapansinan dalawa, “Hao, tara na. Uwi na tayo.” Tawag sakanya ni Hanbin.



That caught Eris’ attention kaya tumingin siya kay Zhang Hao and to her surprise, he’s looking at her too. Agad na nag-iwas ng tingin si Eris, Hao noticed that which made him sigh.



Tumalikod na si Eris sakanila hanggang sa narinig niya ang pagsara ng pinto, siya nalang mag-isa sa studio.



“Wala naman na talaga akong gagawin dito, gusto ko lang talagang magpaiwan.” She whispered to herself.



Umupo siya sa swivel chair na katapat ng recording studio, she touched some of the buttons na ginagamit sa pagre-record and she sighed, “Are you proud of me, Dad?”



Napadako naman ang tingin niya sa gitara niya na nasa tabi, ”Natupad ko ang gusto ko pero bakit hanggang ngayon may kulang pa rin?” Tanong niya sa sarili, “Parati naman talagang may kulang, ano pang aasahan ko?”



For her, she still feels empty even though she’s doing what she love. Na kahit anong paglabag niya para lang gawin ang gusto niya, tulad nalang ng pagtugtog, kulang pa rin. Dahil sa lahat ng ginagawa niya, nagiging masama pa rin siya sa paningin ng iba.




Eris spent an hour inside the studio before deciding to go home. Pagkababa niya sa building kung nasaan ang studio nila ay doon bumuhos ang malakas na ulan.



Wala siyang dalang payong kaya naman tumakbo siya papunta sa waiting shed habang bumubuhos ang malakas na ulan. But luckily, Zhang Hao was still around the area kaya agad niyang napuntahan si Eris para mapayungan.



“Buti hindi pa ako umuuwi.” Zhang Hao smiled.



“Hao?” Gulat na sabi ni Eris, “Bakit nandito ka pa? Hindi ka pa umuuwi?”



Umiling si Zhang Hao, “Hinintay kita na makauwi.” Sagot nito.



“Oh...” Eris suddenly distanced herself from Zhang Hao.



“Eris, nababasa ka.” Muling lumapit si Zhang Hao kay Eris para mapayungan ito pero lumayo lamang ulit si Eris, “Ano bang ginagawa mo? Nababasa ka ng ulan oh.”



“Dapat umuwi ka na.” Sabi ni Eris nang hindi siya tinitingnan sa mata.



“Hindi kita hahayaan na umuwi mag-isa tsaka umuulan, wala kang payong. Ihahatid na kita.” Sagot nito.




Eris looked at him, “Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong mo.”



Tumaas ang kilay ni Zhang Hao dahil sa sinabi nito, “I just want to help, masama bang tumulong?”



“Oo, tsaka hindi ba sabi ko sayo lumayo ka sakin?” Inis na sabi ni Eris.



“Eris, hindi mo naman ako kailangan layuan nang dahil lang don—”



“Bakit ba ang kulit-kulit mo? Bakit ba lagi mo nalang ako tinutulungan kahit hindi naman dapat? Bakit ba ganito trato mo sakin, ha? Hindi mo naman kailangan gawin ‘to sakin.” Eris shot back.



He huffed, “Ang manhid mo talaga noh?”



Zhang Hao stared straight into Eris’ eyes, “Gusto kita, Eris. Matagal na.”



Napaawang ang bibig ni Eris pero bigla niyang tinulak palayo si Zhang Hao, “Stop... ‘wag mo akong gustuhin.” Napayuko ito, “I will just disappoint you kaya itigil mo ‘yang nararamdaman mo para sakin.”



“Eris...” He was about to reach Eris pero agad itong lumayo.



“Hindi ko kailangan ng ganyan Zhang Hao kaya mas mabuti pa kung itigil mo ‘yan.” Walang emosyong sagot ni Eris.



He was about to say something but then he nodded, “Sige.” He said in defeat, “Kalimutan mo nalang ‘tong nangyaring ‘to. Kalimutan mo na umamin ako at ganon din ang gagawin ko. Let’s forget that this happened between us.”



Hindi naman dapat sasabihin ni Zhang Hao lahat ng ‘yon pero wala na siyang nagawa dahil sa gusto ni Eris. Dapat ipaglalaban niya ang nararamdaman niya pero ano pa nga bang magagawa niya ngayon?



Naglakad palapit si Zhang Hao kay Eris at kinuha ang kamay nito para ibigay sakanya ang payong, Zhang Hao stepped back and walked away from Eris.



“Hindi na dapat ako umamin pa...” He whispered to himself while he’s walking under the rain.



On the other hand, Eris’ mind was occupied because of Zhang Hao’s confession. At sa hindi malamang dahilan, her emotions started to build up and her tears rolled down on her cheeks.








Rock With You (Boys Planet Epistolary Series #2) | Zhang HaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon