51

11 0 0
                                    

Miciela Eris’ POV




Nandito kami ngayon sa condo ni Seunghwan para uminom. Mas pinili namin na sa rooftop nalang uminom since malaki naman dito at presko pa.



At dahil na rin kay Jeonghyeon para bitchless siya ngayong gabi.



Seunghwan suddenly got up from his seat and raised his glass for a toast, “Cheers!” Nagkatinginan muna kaming lahat at nagngitian sa isa’t isa before we all clanked our glasses.



“Cheers for coming this far, Zenith!” I said while smiling widely.



Tiningnan ko sila isa-isa and I could never be proud of myself for coming this far— and also to the people who were with me through this whole journey of chasing music and dreams.



“Ehem, mukhang may long message ka samin ah.” Callia poked my side and I chuckled.



“That’s too cheesy pero sige kung gusto niyo, why not?” I smiled.



“Ayun oh, sige nga boss kuromi paiyakin mo kami sa long message mo.” Seunghwan joked and they all laughed.



I cleared my throat first before speaking up again, “Alam niyo, I never thought that we will go this big as a band. Simple lang naman ang gusto namin nila Callia at Seunghwan nung binubuo palang namin ang Zenith, bubuoin namin ang Zenith para lang tumugtog— at ‘yon ay para lang sa sarili namin. We want to enjoy while we’re stressing over acads. But after our very first gig na kami-kami lang, we received a positive feedback sa audience. Hindi ko ine-expect na magugustuhan ng mga tao ang Zenith kasi sa isip ko noon, bata pa kaming tatlo para makipagsabayan sa iba. But that sparks me something, it’s not bad to make big dreams with Zenith. Hindi masamang makipagsabayan kami sa iba. Hanggang sa dumating samin sila Hanbin at Jeonghyeon. And last year’s Musiklaban, doon nagsimula ang lahat. Our small dreams became big. Mas kilala na ang Zenith sa larangan ng pagtugtog at musika. We earned the public’s favor and became the rising band. At dahil doon, na-realize ko na ayokong tumugtog lang para sa sarili ko, gusto ko rin tumugtog para sa iba. Seeing the fans cheering for us made me more happier, sila ang isa sa dahilan kung bakit tayo napunta dito.” I trailed and looked at Zhang Hao bago ako muling magsalita, “Pero syempre hindi rin naman matutupad lahat ng ‘to if it is not because of Zhang Hao.”



Zhang Hao looked up at me at parang gulat pa siya dahil sa sinabi ko, “I know we can trust you after joining the band at hindi mo kami binigo. Ikaw man ang huling sumali sa Zenith pero kung wala ka, wala dito ang Zenith.”



Jeonghyeon lightly tapped Zhang Hao’s shoulder, “Tama, bro. Kung wala ka dito, wala rin dito sa kinatatayuan na ‘to ang Zenith. Wala lahat ng ‘to kung hindi ka dumating.”



“Sinasabi man namin na wala dito ang Zenith kung hindi dahil kay Eris pero ikaw rin ang dahilan— kayong dalawa ang dahilan kung bakit tayo sikat ngayon at thankful kami sainyong dalawa.” Sabi ni Seunghwan.



“Alam niyo sobrang perfect ng tandem niyo eh. Parehas niyong napapalabas ang galing ng isa’t isa kapag nasa stage na tayo.” Hanbin added.



“Totoo, napaka-perfect ng dynamic niyo. Indeed the best stage performers and crowd’s favorite talaga.” Callia said and hugged me from my side, “Sobrang proud ako sayo, Eris. Thank you for being in this team.” She whispered and kissed me on the cheek, hinampas ko naman siya dahil don pero siya tawa lang nang tawa.



“Alam niyo tama na nga, uminom na tayo. Nandito tayo para uminom not to get cheesy.” Muli kong kinuha ang baso ko at nagsalin.



I caught a pair of eyes looking at me kaya tiningnan ko pabalik si Zhang Hao, agad naman siyang nag-iwas ng tingin kaya tumayo ako para tumabi sakanya.



“Iiwas-iwas ka pa ng tingin, nahuli rin naman kita.” Tumawa ako.



“Ako? Nakatingin? Sus, hindi ah.” Sabi niya, hindi pa rin siya nakatingin sakin. Nanatili lamang ang tingin niya sa sahig.



Nilapag ko ang baso ko sa table sa harap, pagkatapos non ay humarap ako kay Zhang Hao.



Marahan kong hinawakan ang baba niya at dahan-dahang hinarap ang mukha niya sakin. Our eyes immediately meet each other’s gaze. Iiwas pa sana siya ng tingin but I cupped his face para sakin lang ang tingin niya.




“Ayan, nakatingin ka na talaga sakin.” I said while slowly forming a smile on my lips.



Pero nagulat ako dahil sa sinabi ni Zhang Hao.



“Don’t look at me like that, Miciela. I might kiss you right here.”







Rock With You (Boys Planet Epistolary Series #2) | Zhang HaoWhere stories live. Discover now