Sinagtala Student Council
Zhang Hao:
baka may nandiyan pa sa sc office, naiwan ko kasi calculator ko diyan sa desk ko 🥲
sakto buti paalis palang ako
nasaan ka? idadaan ko ung calcu mo
Zhang Hao:
3rd floor ng ind bldg, sa dulong classroom
wait lang
papunta na ako diyan
Zhang Hao:
thank you, eris!
Keita:
sana all to the rescue
——
Callia Ivelle Vera
• active nowhoy teh nasaan ka na
nandito na prof natin gagu
Seenwait lang, papunta palang ako sa classroom nila hao
pag nag-attendance na pasabi male-late lang ako ng konti
sige sige
bilisan mo ahhh
yep basta ikaw na muna bahala sakin sa attendance
i gotchu!
Seen——
Miciela Eris’ POV
Mabilis akong tumakbo papunta sa room na sinabi ni Hao, nang malapit na ako ay agad ko siyang tinext na malapit na ako.
Pagkarating ko sa tapat ng room nila ay saktong lumabas si Hao mula sa loob, medyo hinihingal pa ako kaya huminga ako ng malalim, “Oh, calculator mo. Burara ka kasi eh.” Sabi ko sakanya habang hinahabol ko pa ang paghinga ko.
Kinuha niya mula sa kamay ko ‘yung calculator niya, “Thank you.” Sabi niya, “Teka, tumakbo ka ba papunta dito?”
Tumango ako, “Oo, obvious ba?” Sagot ko, “Mauna na ako, late na ako sa klase ko.”
“Hala, sorry! Na-late ka pa dahil sakin.”
Nginitian ko siya, “Baliw, ayos lang na ma-late noh. Wala naman ‘yon sakin basta maabot ko ‘yan sayo.” Sabi ko pa, “Sige na, una na ako. Mamaya nalang ulit.” Pagkasabi ko no’n ay agad akong tumalikod sakanya at nagsimula ulit tumakbo.
Pero hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko siyang sumigaw, “Eris, 143!” Lumapad naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya, muli ko siyang hinarap at nakita ko ang malawak niyang ngiti. Kumaway pa siya sa’kin.
Gago ka, Hao. ‘Wag kang ganyan. Baka hindi ko na mapigilan sarili ko tulad ng pagpigil ko dati.
Kasi baka ngayon totohanin ko na lahat at hindi na biro-biro lang.
YOU ARE READING
Rock With You (Boys Planet Epistolary Series #2) | Zhang Hao
FanfictionZhang Hao and Miciela Eris are bandmates from the popular band during their highschool. Just when the band was at their peak, Eris' departure from the band became the talk of the town. No one knows her reason, even Zhang Hao, her known competition a...