CHAPTER 16

2.3K 46 0
                                    

Chapter 16: Feelings

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa puso ko. 

Lakas din kasi nung isang 'yon. Bubulong siya tapos biglang may kasunod. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako o sadyang tanga lang na umasa akong iba ang kahulugan ng mga sinasabi niya. 

Bakit? May gusto ka na ba sa kaniya?

Napabuga ako ng hangin sa posibilidad na baka nga. Baka nga may nararamdaman na ako sa sariling amo. 

Napailing ako at sinubukang huwag isipn ang katanungang sumulpot sa kung saan. Hindi. Hindi pwede.

Bakit naman hindi pwede? 

Masiyado siyang mataas para sa akin. Masiyadong malayo. At simula nung nagkausap kami tungkol sa yumaong asawa, pakiramdam ko hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nawawala sa puso niya. Mahirap nga naman kalimutan ang taong kasama mo sa pagbuo ng pamilya. The twin are the living proof of how much they love each other. Kung hindi siya nawala, wala ako rito.

Kaya habang maaga pa, ititigil ko na kung ano mang klaseng nararamdaman ito. Paghanga, pagkagusto o pagmamahal. Kahit ano. Hindi pwede. Dahil alam kong sa huli ako lang din ang masasaktan. At hindi ko afford 'yon. Kung mahal ang magmahal, mas mahal ang masaktan. Wala akong panahong magmukmok at mag-inarte dahil kailangan kong kumita para sa pamilya ko, para sa gamot ng tatay ko, para sa pamangkin ko, para sa pangarap ko. 

Naisipan kong mag-grocery at maglakad sa park ngayon dahil wala naman ang mga bata. Nasa eskwelahan sila at mamaya pa ang pagsundo ko sa kanila. 

Nagsuot ako ng isang simpleng damit na mayroon ako at nag-suklay lang ng buhok bago lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kusina dahil tiyak kong nandoon si Manang na kababalik lang galing sa probinsiya nila dahil nagkasakit ang anak nito. Ang alam ko kasama niya ang kaniyang Apo sa pagbalik dito pero hindi ito dito nakatira. 

Naabutan ko siyang naghahanda ng lulutuin para mamayang hapunan. Ang advance talaga ni Manang lagi. Kakatapos lang ng tanghalian, naghahanda na siya sa pang-hapunan. 

"Manang, alis po muna ako saglit. Mamaya pa naman po ang awasan ng mga bata," paalam ko nang makalapit sa kaniya. 

"Ay, sige, Shang. Mag-iingat ka, ha?" Tumango ako at tinungo na ang palabas. Naglakad ako palabas ng subdivision. Matagal ko nang gustong gawin ito ngunit hindi lang nagkaroon ng pagkakataon dahil ang trabaho ko rito ay bantayan ang mga bata at hindi magliwaliw. 

Ang ganda ng subdivision nila. Tahimik, magkakalayo ang mga bahay, malinis, at maaliwalas. Hindi katulad sa amin sa probinsiya na maingay dahil madalas may nagsisigawan, magkakadikit ang mga bahay, maaamoy ang iba't-ibang amoy ng mga hayop katulad ng baboy, carabao, baka, manok, at iba pa. Pero sariwa ang hangin, hindi katulad dito sa syudad na puno ng chemical.  

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makalabas ng subdivision. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa plaza o parke na malapit. 

Simula nang mapadpad ako sa Manila ay hindi pa ako nakakalabas at nakakapag-ikot ng maayos. Not that I have the luxury to do that, minsan nakakainggit lang. Sana kaya ko ring huwag isipin ang pera para makapag-relax ako ng maayos. Iyong mga taong nagsasabing 'money can't buy happiness,' siguro hindi nila naranasang maghirap ng sobra dahil wala silang pera. O 'di naman kaya ay may sapat silang pera o nag-uumapaw na pera kaya hindi na ito ganoon kahalaga sa kanila. 

Hindi naman kasi 'yung pera mismo ang nagpapasaya sa 'yo, kundi 'yung nabibili mo gamit ang pera. Pwedeng pagkain, tirahan, kotse, damit, sapatos, pag-aaral, bag, libro at marami pang iba. Money is just an instrument used to buy our happiness. Kaya nabibigyan pa rin tayo nito ng kasiyahan.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now