Chapter 7:

866 57 4
                                    

(Shawn)

Sa hindi ko malamang dahilan na dahilan ay maaga akong nagising. Isang lingo na ang nakaklipas mula ng makita ko ang sinasabing unang anak ng mga Sy at ang nakakatandang kapatid ni August. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang kanyang mukha na sobrang hawig sa lalaking matagal ko ng pinangungulilaan.
Napatingin ako sa litrato na nasa bed side table ko. It was a picture of me with August, sobrang lawak ng mga ngiti nito sa litrato. It was our first date, naalala ko pang masayang masaya ito ng araw na iyon. Napatitig akong Mabuti sa mukha ni August na nasa litrato hanggang sa dumako ang aking paningin sa kanyang mga labi.
"Fuck!" I cursed as memories of that night came flashing on my mind. Ang bawat bulong niya at ang kanyang malalambot na labi. Muli akong napa upo sa kama at napa hilamos ng mukha. I don't know, hindi ko alam and nangyayari sa akin. Bakit hindi mawala wala sa aking isipan ang nangyari sa amin? Is it because kamukha niya si August? Fuck, mababaliw na ako.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok rito. Hindi ko pa man ito binubuksan ay kusa na itong bumukas kasabay ang pag pasok ng nakangiting si Natalie.
"Goodmorning Babe." Masigla nitong bati na tinanguan ko lang. tumayo na ako at lalabas na sana sa sarili kong kwarto ng bigla ako nitong hinarangan.
"You look so good today. Ang gwapi-gwapo mo." Nakangiti nting wika at inayos ayos ang aking damit. Nakatingin lang naman ako sa kanya. Nagulat na lang ako ng unti unti nitong nilapit ang kanyang mukha sa akin. Agad naman akong umiwas at tinanggal ang kanyang mga kamay na nakahawak sa aking suit at naglakad.
"Hanggang ngayon siya pa rin." I can feel the bitterness and sadness on her words.
"Wala namang nagbago." Sagot ko sa malamig na boses. Lalabas na sana ako ng mag salita ito ulit.
"Hahatiran kita mamaya ng lunch. Sabay na tayong kumain." Hindi ko na ito nilingon pa o sinagot at agad ng bumaba. Nakita ko naman agad si Genisis na inaalagaan ng kanyang yaya. Hindi ko alam kung bakit hindi maalagaan ng mag isa ni Natalie ang anak naming. She keeps insisting na mas better daw ang aruga ng isang yaya.
Dire-diretso lang ako sa pagbaba hangang sa narrating ko na ang aking sasakyan. Agad akong sumakay dito at tinungo ang upisina.habang nagmamaneho ay naalala kong nag invest na sa amin ang pamilyang Sy at ngayon din ang simula ng mga pagkikita naming ni Rowan at ang pagsisimula ng pagkaka trabaho naming. Sa hindi ko na naming malamang dahilan ay kumabog na naman ng malakas ang aking psuo. Muli na naming nagsi daanan sa aking alaala ang mga nangyari ng gabing iyon.

(Rowan)

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising pero ngayon ay kakarating ko pa lang sa kompanya ng mga Delgado. Ang kompanya na dati ay binabalik balikan pa ni August. Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sarili kong sasakyan. Agad akong naglakad papasok sa kompanya. Dahil masyado ng mainit ay tinanggal ko na ang silk white jacket na aking suot suot. Ngayon ay naka suot na ako ng black skinny jeans na pinaresan ko ng di kataasang pulang heals at fitted sleeveless turtleneck linen na kulay pula. Naka lugay rin ang aking buhok na dapat pala ay tinali ko. Mukhang late nga ako. Malapit na yatang magtanghalian, well whatever.
Dire-diretso lang ako sa loob, Mabuti naman ay hindi ako pinigilan ng guard o kung nino man. Hindi ko namalayan ay nakababa at labas na ako ng elevator at naa harap na ng opisina ni Shawn. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang daan papunta dito. Before walking again ay huminga ako ng malalim. Ng nag umpisa na akong maglakad ay may Nakita akong babae na nasal abas ng opisina ni Shawn, mukhang bago ito? Her face is not familiar.
"Goodmorning-" hindi ko alam kung bakit bigla itong natigil sa sasabihin at nabitawan ang bitbit nitong hawak nitong kutsara. Kumakain pala ito tanghalian nan ga shocks, ngunit bakit parang nakakita ito ng multo.
"Goodmorning, I am Rowan Sy and I am here to have a talk with your boss and also to work. Nandito ba siya?" tanong ko na tila nakapag pabalik sa kanya sa sarili. Umayos ito ng upo habang titig na titig pa rin sa akin. She is creepy.
"a-ah yes po M-ma'am." Nauutal nitong sgot na mas ikina kunot ng noo ko.
"Lunch time na pala, malamang sa malamang kumakain na ang boss mo sa loob." Wika ko out of nowhere. Baka kasi kumakain nan ga iyon at pumasok ako edi I will just be bored looking at him eating. Maybe mas better na umalis muna ako at bumalik na lang mamayang hapon.
"Ah, hindi pa po. Hindi pa naman po dumadating si maam Natalie. Si Maam Natalie po kasi ang nagluluto ng kanyang tanghalian at nagdadala na rin." Napatigil ako sa pag iisip sa biglang sinabi nito. Oh..
"kinakain niya ba ang dinadala ng asawa niya?" tanong ko at mas lumapit pa sa secretary yata ni shawn. I looked at her pin name and I read it as vanessa, so she is vanessa.
"Sa totoo lang po hind-"
"Nevermind, but can I ask you a favor?" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita ng may maisip akong plano.
"Yes, Ma'am what is it po?" hindi ko alam kung bakit tila excited pa itong humingi ako ng favor. Maybe because I was a Sy and need niyang mapalapit sa akin? Well, whatever I don't care.
"Can you buy these?" agad kong kinuha ang phone ko at pinakita ang mga bagay nan ais kong ipabili. Tumango tango lang naman ito.

Nag antay lang ako sa labas ng opisina ni Shawn kung saan naka destino ang kanyang secretary. Makalipas ang ilang minute ay biglang dumating si Vanessa bit bit ang tatlong malalaking plastics. Agad niya itong inabot sa akin na agad ko rin kinuha.
"Thank you Vanessa, by the way here." Pasasalamat ko at inabot sa kanya ang isa sa mga plastic na kanyang binili. May laman itong cake at drinks. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.
"It is for you. Alam kong napagod ka at mapapagod pa sa madaming gagawin. Accept this at papasok na ako sa opisina ng boss mo." Hindi ko na ito hinintay pang magsalita at agad na nilagay sa taas ng table niya ang plastic at pumasok sa loob.
Ng maka pasok ay nabungaran ko ang tutok na tutok na si Shawn sa kanyang laptop. Napangiti ako sa aking Nakita at naisip na plano.
"Goodnoon, I am very sorry for being late. May mga inasikaso kasi akong mga importanteng bagay." Wika ko na naka kuha ng kanyang atensyon. Agad naman nitong tinigil ang kanyang ginagawa sabay ayos ng kanyang damit at tayo. Umupo na ako sa tila isang set ng upuan at mesa na nasa loob ng kanyang opisina at nilagay doon ang mga pinabili ko kay Vanessa.
Lumapit na ito sa aking puwesto at umupo sa upuang kaharap ko lang. I can feel his stares at me.
"Ano yan?" tanong nito sa akin. Tumayo ako at nilabas ang laman ng dalawang malalaking plastics. Mga pagkain ito para sa tanghalian, mga pagkain na paborito niya at niluluto ni August dati, na niluluto ko dati.
"Our lunch, hindi pa kasi ako kumakain at naisipan kong magdala na lang at sumabay na sayo." Nakangiti kong sagot. Kita ko naman ang gulat sa kanyang mga mata. Alam kong naaalala na niya si August dahil sa mga pagkaing nasa harap niya.
"Kumain ka na ba? Here kain tayo." Sweet kong wika at sabay lapit sa kanya at inabot ang isa sa mga pagkaing may sabaw na hindi gaanong mainit. Habang papalapit ay sinadya kong mag tumba tumbahan hanggang sa mabuhusan ko siya sa kanyang bandang hita.
"Oh my god, I am so sorry. Hindi ko sinasadya Shawn." Kunyareng nagpapanick kong sabi sabay luhod sa kanyang harapan at pinagpag pagpag ang kanyang hita.
"W-what did you call me?" tanong nito. Tiningnan ko naman ito at nagulat ng nakatingin ito sa akin na tila may mga maluluhang mata.

It was August (BL COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن