Kabanata 4

431 48 9
                                    

"NATAPUNAN mo siya ng juice?"

Kabadong tumango si Bernadette. "Y-yes po, Lolo. Bigla-bigla na lang po kasi siyang sumusulpot. May sa kabute po yata 'yang apo n'yo."

Sukat doon ay humagalpak ng tawa si Don Alonzo. Tuluyan na ring naglaho ang nakakatakot na pagkakakunot ng noo nito kanina. Kasalukuyan silang nasa study room ng matanda. Sila lang ni Trent ang pinaakyat nito roon upang masinsinang kausapin tungkol sa eksenang nadatnan nito kanina sa bulwagan. Dala na rin ng pagiging OA ng kaniyang ate, inakala talaga ng don na may namamagitan sa kanila ni Trent.

"Why do I get déjà vu?" iiling-iling na komento pa ng matanda, ngunit may malapad na ngiti pa ring nakapagkit sa mga labi. "Aasahan ko na rin bang kayo na ang susunod na magbibigay sa akin ng apo?"

     Nahintatakutan si Bernadette sa narinig. Nanlalaki ang mga matang napatayo siya mula sa kinauupuan. Winasiwas pa niya ang dalawang kamay sa ere. "Naku, hindi po! Hindi po! Wala po talagang kahit anong namamagitan sa amin--pramis po!" Tinapunan niya ng tingin ang apo nito na hinirit naman ng ubo. "N-no offense po, Señorito."

Itinaas ng binata ang palad sa ere. "None taken." Gumuhit ang isang mapaglarong ngisi sa mga labi nito. "At kahit pa sabihin mong mayroon, I still wouldn't mind."

       Sandali muna niyang hinamig ang sarili. "Hindi po 'yon mangyayari."

"Ingat ka, baka kainin mo rin 'yang sinasabi mo," makahulugang wika ni Trent. May kakaibang ningning ang mga mata nito.

        He was intentionally teasing Bernadette. Kung hindi lang nila kaharap si Don Alonzo, malamang ay nahilamos na niya ang palad sa mukha. Matagal-tagal ding nawala si Trent sa San Guevarra. Akala nga niya n'on, hindi na ito babalik. Now he's here for good, hindi na siya sigurado kung magiging mapayapa pa ang buhay niya rito. Pakiramdam niya, habambuhay nang nakapagkit sa alaala nito ang pag-amin niya noon.

"Teka, teka. Baka kung saan pa mapunta ang usapan," singit ni Don Alonzo. Minuwestra nito ang kamay sa silyang nilisan niya. "Maupo ka muna ulit, hija."

Dali-dali siyang tumalima nang hindi na muli tinatapunan ng tingin si Trent. May pang-itaas naman na ito kaya hindi na madadagdagan pa ang kasalanan niya, pero sapat na ang bigat ng titig nitong nanunuot sa kaniyang kalamnan para ipirmi niya ang tingin sa don.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa Bistro, Trent? I thought you have an important matter to attend?" Don Alonzo drummed his fingers on the chair's armrest.

"Meron nga, 'Lo. Sinadya ko si Badet doon para kausapin nang personal about my offer. I wanna try my luck. Baka sakaling mapapayag kong lumipat sa The Esplanas."

Inaasahan na ni Bernadette iyon. Ilang linggo ba naman na siyang kinukulit ng mga kapatid niya, e. Malas lang ng binata, kahit ito pa mismo ang kumumbinse sa kaniya'y iisa pa rin ang magiging sagot niya.

"And was he able to change your mind, hija?" nakaangat ang mga kilay na tanong ni Don Alonzo sa kaniya.

       Nakagat ni Bernadette ang ibabang labi. Hindi niya alam kung papaano sasabihin sa matanda na desido na siyang mag-stay sa pinagtatrabahuhan niya ngayon. Napakalaki ng utang na loob niya rito—ng buong pamilya nila, sa totoo lang. Nahihiya siyang tumanggi. Ayaw niyang ma-disappoint sina Don Alonzo at Doña Luzia. Kung sumaktong wala siyang trabaho, baka tinanggap na niya ang posisyong iyon, kaso mayroon naman siyang prinsipyo sa buhay kahit papaano.

"We really didn't get the chance to discuss it because of what happened. Siyempre, kailangan ko muna magpalit ng damit—or else she'll be ogling at my abs the whole day." Si Trent. Hinimas-himas pa ng nito ang sariling tiyan.

DIS #2: The Right OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon