Kabanata 6

784 66 38
                                    

Comments po are highly appreciated! Thank you! 💛


NAGISING si Bernadette sa tunog ng karaoke na biglang pumainlang sa paligid. Nakapikit ang isang mata na sinipat niya ang oras sa kaniyang cellphone. Tinakpan niya ng unan ang mukha at sinubukang magpahatak muli sa antok, ngunit hindi na niya magawa. Hinagis niya ang unan sa kaniyang paanan at saka nagpapapadyak. Ang sarap-sarap ng tulog niya, e, pagkatapos ay maririnig niya ang nanay niyang bumibirit ng Bakit 'Di Totohanin ni Carol Banawa—at nang alas-siyete ng umaga! Ang nakakatawa, naririnig niya ang mga kapitbahay nilang nagsipaggising din dahil sa karaoke. Nagmistula itong alarm clock ng buong San Guevarra!

       "Aling Cecile! Napakaaga naman niyan!" anang isa nilang kapitbahay.

       "Ante, magpatulog muna kayo!" sigaw naman ng isa pa.

      "Palma, mamaya na 'yan!"

      Bumalikwas si Bernadette ng kama at sumilip sa bintana. Bumaba ang tingin niya sa s-in-et up ni Ton-ton na karaoke sa harap ng bakuran ng kanilang bahay. Yes, mayroon nang ikalawang palapag ang dating tila pinagtagpi-tagpi lang nilang kubo. Kung dati rin ay siksikan silang magkakapatid sa papag, ngayon ay may kani-kaniya na silang mga kuwarto. Sementado na rin iyon at kumpleto na sa pintura. Napag-ipunan nilang magkakapatid ang pagpapagawa sa kanilang bahay. Talagang grateful siya sa naging takbo ng buhay nilang pamilya nitong mga nakaraang taon. Hindi na kailangang rumaket-raket ng kanilang ina bilang labandera at hindi na rin nila kailangang manghingi ng ulam sa mga kapitbahay—ngunit ang hindi pa rin magbabago ay ang pakikipagtawaran nila sa presyo ng itlog na pula. Aba'y napakamahal pa rin!

       Napahilamos ng kamay sa mukha si Bernadette nang tugunan lang ng kaniyang ina ng pagpiyok ang mga nagrereklamo nilang kapitbahay. Hindi naman kasi kailangang mataas ang note, pero ewan ba niya sa trip ng nanay niya. Tataluhin pa yata si Sheryn Regis. Hindi na siya nag-abala pang magsuklay. Ipinusod niya na lamang ang lampas balikat niyang buhok, 'tapos ay bumaba na siya para puntahan ang ina.

"'Nay, napakaaga n'yo naman po mag-concert," nakabusangot niyang sabi rito sabay halukipkip. Sumandal siya sa hamba ng pintuan. "Minsan lang naman ako mag-day off."

"Minsan lang din ako makakanta. Aba'y pagbigyan mo na ang nanay mo," anito habang nakatapat ang bibig sa mic. "Bakit di na lang totohanin ang lahat? Ang kailangan ko'y paglingap. Dahil habang tumatagal ay lalo kong natututunang magmahal . . . baka masaktan lang."

Papikit-pikit pa si Aling Cecile habang kumakanta. Dahil mukhang hindi niya na rin naman mapipigilan ang ina at siguradong hindi na siya makakabalik sa pagtulog, nilapitan niya ito at inokupa ang silyang nasa likod nito. Hindi siya kakanta. Bukod sa wala pa siya sa mood, hindi rin siya nabiyayaan ng magandang boses. Maski kahit anong talent ay wala rin siya. Talino at diskarte sa buhay lang talaga ang kaya niyang iambag sa mundo.

Bitbit ang song book na lumapit sa kaniya si Ton-ton. "Ate, maglalagay ka rin ba? Ano'ng gusto mo?"

Pumangalumbaba siya sa lamesa at tumingala sa bunsong kapatid. "Kape, gusto ko ng kape. Hindi pa handa 'yong katawang lupa ko magising."

       Natawa ito. "Sabi ko nga kay Nanay mamaya na, e. Ngayon na raw."

       "Nag-almusal na ba kayo?" tanong niya.

       Inilapag nito ang song book at tiniklop. "Hindi pa nga, e. Ginising din kasi ako ni Nanay nang napakaaga para pick up-in 'tong videoke sa kabilang bayan." Itinuro nito ang kanilang ina na kasalukuyang ikinekembot pa ang balakang habang kumakanta. "Tingin mo'y in lab si Nanay, 'te? Tingnan mo, o."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIS #2: The Right OnesWhere stories live. Discover now