204. Lihim na nararamdaman

4 1 0
                                    

204. Lihim na nararamdaman

Kaibigan kita
ngunit may isang
katotohanang hindi mo
nalalaman.

Isa itong lihim
na ako lang ang
may alam
“mahal kita.”

Mahal kita
sa paraang sumasaya
ako sa tuwing
kasama kita.

Mahal kita
sa mga pagkakataong
ang mga mata ko
ay sa iyo lang interesado.

Ngunit, wala tayo
sa isang pelikula
andito tayo sa
kwento kong hindi
tayo ang bida.

Sa ibang salita
iba ang gusto mo
sa iba ka interesado
sa iyo’y kaibigan lang ako.

Ang lihim ko
ay mananatiling
walang may alam
kahit ikaw.

MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon