214. Payapang Pag-ibig

0 0 0
                                    


Maraming nagsasabi na,
hindi raw tayo magtatagal
sapagkat mga bata pa tayo
bata pa raw ating mga puso.

Sabi rin nila na sa una lang
mahal natin ang isat’ isa
na balang araw,
isa sa atin ay may magsasawa.

Tumagal tayo
na parte na ang
opinyong ng iba
sa relasiyon natin dalawa.

Sobrang bilib sila
kung paanong ang
dalawang may murang edad
ay magtatagal pala.

Sampung taon
matibay na ating relasiyon
nagpa-plano ng magpakasal
at bumuo ng isang masayang pamilya.

Ang pag-ibig
ay hindi nasusukat sa edad
sa dalawang tao ito nakabase
kung paano nila ingatan ang bawat isa.

Iningatan namin ang isa’t isa
kaya naman ‘di na nakapagtataka
na talagang tumagal ang aming pagsasama
sa mahabang panahon, masaya pa rin kaming dalawa.

Ang sikreto namin,
respeto sa isa’t isa
pagiging totoo lang
oras, komunikasiyon
pag-aalaga at pagiging kuntento.

MGA TULAHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin