in another life,
muli pa kaya tayong pagtatagpuin?tanong ito ng isang babaeng apat na taon ng naghihintay sa lalaking minamahal niya. halos araw-araw siyang bumabalik sa paboritong lugar nila, umaasang hinihintay din siya nito. pero araw-araw din siyang umuuwing luhaan.
ayaw niyang paniwalaan ang pamilya niya na sinasabing matagal na raw siyang kinalimutan ng lalaki dahil mismong pamilya niya ang dahilan kung bakit kinailangan niyang lumayo noon sa lalaking minamahal niya.