211. Buhos ng ulan

0 0 0
                                    

211. Buhos ng ulan

Madilim ang ulap
malakas ang simoy ng hangin
pahiwatig na babagsak
ang tubig ulan.

At habang naghihintay
nakaupo ako sa silya
kaharap ang kuwaderno
hawak ang panulat.

Alam niyo na
ang aking gagawin
muli akong lilikha
ng isang piyesa.

Sa unang saknong
humigop muna ako ng kape
sumilip sa bintana
at nasilayan ang pag-ambon.

Hanggang ang ambon
ay naging ulan
malalakas ang patak nito
sa aming bubong.

Ramdam ko ang lamig
kaya naman kumuha ako
ng makapal na kumot
para ipambalot sa aking katawan.

Naka-ilang hikab ako
bago nagpasiyang humiga sa kama
napagtanto mas masarap pa lang matulog
sa kalagitnaan ng malakas ng ulan
kesa gumawa ng tula.

06-26-23

MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon