210. Pusa lang kami

1 0 0
                                    

210. Pusa lang kami

Marahil malas kami
sa paningin ng mga tao
pero kasalanan ba namin?
kasalanan bang ganoon kami
sa paniniwala ninyo?

Pare-pareho lang naman tayo
nagugutom, nauuhaw, nasasaktan
parehong kinakailangan
ng pag-aruga at atensiyon.

Marami sa inyo
na galit sa aming mga pusa
Sinasaktan kami ng walang dahilan
Sinísipà, hinahàmpas
tinuturing na malas.

Ang pinagka-iba lang namin sa inyo
kapag nasasaktan kayo
pwede kayong magreklamo
kapag may gusto kayong sabihin
malalaman agad.

Pero kami, tanging "meow"
lang ang kayang bigkasin
kapag nagugutom, kapag nauuhaw
kapag nasasaktan at kapag may gusto
"meow" lang.

Kung ayaw ninyo sa amin
hayaan ninyo lang kami
huwag ninyo kaming sasaktan
pusa lang kami;
hindi namin kayang protektahan
ang mga sarili namin sa mga kamay ninyo.

MGA TULAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz