3: In Agreement

1 0 0
                                    


CHAPTER 3

A break up may seem like the end of the world in every movie, but in reality, life goes on even if you’re in pain.

I smiled as I greet the guests in the hotel. They are considered to be VIPs and I was tasked to help them get to their function hall. Some of these gentlemen and women are prospect investors so hindi pwedeng pumalpak. Iba talaga dapat ang may hawak nito  pero naka leave ito at ako muna ang sumalo dahil manganganak ang asawa niya.

Everything went fine for today’s event. Maayos ang feedback at mukhang satisfied naman ang mga prospect dealers and investors. Nakasalubong ko kanina si madam Lorieane pero hindi ko nakausap dahil busy pa nung makita niya ako.

Kasama niya ang asawa niya kanina, ang panganay nilang babae at ang bunso nilang anak. Hindi ko nakita ni anino kanina ni Ali. Though I only saw him once during the Rizzo Hotel’s 35th anniversary. Mukha pa siyang napilitan noon dahil buong event ay nakabusangot siya. Not that he smiles often anyway. Ganon na ata ang set up ng mukha niya noon pa.

I went home with thoughts of going on a vacation next week. Even though I have accepted my break up with Jacob, hindi ko maiwasang makaramdam ng pangungulila at pagbabago. I think I need some time for myself. To recollect my thoughts and to digest  that I have... trully lost someone who's been there for me for 2 years.

Nagliligpit ako ng gamit sa sala nang madampot ang isang sobre na parang naglalaman ng letter. Hinanap ko ang recepient at nakita ang apilyedo namin.

'To Mr/Mrs Gonzales,

It’s my pleasure to invite your son for the nearing EASC international competition. We believe that Joshua Gonazales is a very much skilled soccer player, and has the potential to bring victory to the Hilario Soaring Tigers.

The competition will be held between October 11th 2023 until December 20th 2023. The following are the expenses that need to be paid to join the international competition

.
.
.
Total expenses: P130,000.00

We hope that you let your son enhance his experience by joining this opportunity.

Kasabay nang pagkabasa ko ay ang pagbaba ni Joshua sa sala. Kinuha niya ang papel sa kamay ko at itinago sa bag niya.

“Bakit hindi mo sinabi?” Tanong ko sakaniya.

“Okay lang ate, hindi naman yun required.” Sagot niya tsaka binuksan ang laptop na pinaglumaan ko pa noon sa college. Hindi ko pa mabilhan ng bago dahil pinag iipunan ko pa.

“Malaking opportunity iyon Josh, sayang kung di ka makakasali. Hindi ba magandang experience yun sa soccer mo para makapunta ka sa magandang university?” Sabi ko pa.

“Nakakapanghinayang ate, 130k yun. Saan tayo uutang pambayad noon? Tsaka hindi ko alam kung itutuloy ko ang soccer sa college. Masyadong magastos eh.” Aniya.

Parang sinilaban ang puso ko sa galit, hindi sakaniya kundi sa sitwasyon namin.

I’m trying my best to provide for their needs. Nagpapadala man ng pera si papa kung nasaan man siya ngayon, ngunit hindi iyon sapat sa pang araw-araw namin, tuition nila, at ang kinukuhang porsyento doon ni mama. Pinagdamutan ako sa mga ganitong oportunidad at tinanggap na lamang ang kaya ng bulsa namin kaya’t parang ayaw kong palagpasin niya ito. Not when he has a sport to be passionate about, which I didn't have before.
“Wag mo na masyadong isipin ate. Okay lang naman sakin. Hindi din naman pupunta ang mga kaibigan ko.” Aniya pa, pampalubag loob siguro, hindi lang sa akin kundi pati na din sa sarili niya.

Taking Chances Where stories live. Discover now