Chapter 2

49 5 5
                                    


HABANG naaalala ang mga paghihirap ko sa kamay ng sariling pamilya ay hindi ko mapigilang mainis. They let me suffered for years. No, I've let them and that's my biggest mistake.

Ngayon na nalaman kong nakatakda akong mamatay nang hindi man lang sila nakakaramay ay nawalan na ako ng gana sa kanila. 'Ni hindi nila ako ipinag-tanggol o iniligtas sa kamay ng lalaking iyon! P'wes ililigtas ko ang sarili ko.

Sino pa ba ang aasahan ko?

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon. Tiyak na makakalabas na nga ako sa araw na ito. Finally after three freaking weeks!

Tumayo ako nang tuwid at taas-noong pinagbuksan ang kumakatok. It was the same maid that I've encountered three weeks ago. Buhay pa pala ang isang ito, unahin ko na kaya? Just kidding, masyado pang maaga para doon maybe in the future. Dejokelang.

"Pinapatawag ka ng iyong ama," the maid said. Kagaya ko ay taas-noo rin ito at magkasiklop ang dalawang kamay. Nakakatawa, parang sa movie lang.

"Where's your manner muna hmm?" Tinaasan ko ito ng kilay kaya naman bahagya itong napa-atras. Nakita ko rin ang pag-lunok nito ng laway. Mukhang natatakot na agad siya ay wala pa nga akong ginagawa.

Ngunit itinaas din nito ang kaniyang kilay at tinitigan ako sa mata. Hanga ako sa katapangan niya, iyan ang papatay sa kaniya.

"Alalahanin mong mas mababa ang posisyon mo kumpara sa akin kahit pa kasama ka sa pamilyang Moon dahil unang-una wala ka naman talagang parte sa pamilya" saad ng babae. Ouch, medyo masakit 'yon ah! Ni-realtalk ba naman ako!

Malakas ang loob niya dahil alam niyang walang magta-tanggol sa akin.

She's wrong, i have my self.

Natatawa ko siyang nilapitan kaya napa-atras siyang muli. Tch. Duwag naman pala e.

"Kumpara sa iyo? Ha? Sino ka ba? Kung wala akong parte sa pamilyang ito, sa tingin mo kasama ka ba sa pamilya?" nakangisi kong saad. Nanlaki ang mata nito at halatang nagulat sa sinabi ko. Hindi niya siguro naisip na papalagan ko na siya.

"At kahit pa wala akong parte sa pamilyang ito, tandaan mo ako si Athanasia I have the power to get rid of you. Don't you think it's a good idea?" mas nilakihan ko ang ngisi ko kaya hindi siya nakapag-salita. She's loss of words now. Cat got her tongue eh?

"P-paanong? Mahina ka kaya h-hindi mo iyon magagawa!" sigaw nito pero nararamdaman ko ang takot at kaba na nanararamdaman niya. Masaya pa lang makita silang natatakot sa'yo. No wonder kung bakit palagi nila akong tinatakot, ngayon alam ko na. Satisfying pala.

"Ouch, masyado mo akong minamaliit, masakit 'yon huh" saad ko sa kaniya at humakbang papalapit. Napa-upo siya sa lapag dahil sa gulat. Napa-lunok pa siya at napa-awang ang labi.

Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang baba niya. Ini-angat ko iyon at tiningnan siya sa mata. Naramdaman ko ang paninigas niya at panlalamig ng katawan.

"Hindi mo alam ang kaya kong gawin, kaya mag-isip kang mabuti"  pananakot ko rito. Nanlaki ang mata nito at halos panawan na ng hininga.

"P-patawad p-po sa kapangahasan ko! P-pakiusap huwag mo akong p-patayin!" Kung kanina ay napaka-tapang nito, ngayon ay para ng ulan kung bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Parang isang takot na takot na kuting. Wala namam talaga akong balak na gawin sa kaniya pero mukhang gumana naman ang kalokohan ko.

"Now, what do you call me?" maangas na sa saad ko rito. Halos matawa ako nang umiyak ito.

"L-lady Harriete p-po" tumango-tango ako na parang nakukumbinsi, puwede na rin.

"Ano ang sasabihin mo?"

"P-pinapatawag po kayo ng iyong a-ama" nauutal nitong sabi. Nginitian ko siya at tinapik-tapik ang balikat niya. I chuckled.

"Good" Pagkatapos ay tumayo na ako at iniwan ang umiiyak na katulong. Napasobra ba ako? Matagal na nila akong tinuturing na parang ako ang pinakang-mababa sa lahat ng naririto.
Well, I think not.

Malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Helena. Kausap nito si kuya Cloud na sumasagot din kapag minsan. Nakangiti lang ang aking ina samantalang tahimik ang aking ama at si Althea habang kumakain.

Wow! What a perfect family!

Ako nga pala talaga ang sumisira sa kasiyahan nila. Napatunayan ko iyon nang magsalita ang isa pang katulong.

"Naririto na po si Lady Harriette" napalunok ito bago lumingon sa akin. Alam kong nakita niya ang ginawa ko sa kasamahan niya. Patahimikin ko kaya ito agad? Just kidding. Mabait naman ako.

Kapag tulog.

Ang kaninang nagtatawanang mag-kapatid ay biglang awkward na tumahimik samantalang nawala ang ngiti ng aking ina ngunit hindi naman makikitaan ng emosyon ang aking ama. Direkta lang itong nakatingin sa mga mata ko. Mag beautiful eyes kaya ako?

"Hi mom, dad and siblings! Don't you miss me?" I smirked. Time to play with them. Sana ay mag enjoy ako sa larong uumpisahan ko.

Premonition Of Love (Villacano Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu