Chapter 15

52 6 9
                                    

Athanasia's POV

TAHIMIK akong sumunod sa kaniya paalis ng garden. Naguguluhan na rin ako sa sarili. Am I just doing this for me to be safe or for something else? To be honest, I don't know. Hindi ko na rin alam kung bakit ganito ang kinalalabasan ng mga plano ko.

Nakasunod lang ako sa likuran nya dahil hindi ko pa rin naman alam ang mga daan dito.

Tumuloy kami sa cafeteria ng school kung saan namin natagpuan ang ibang mga candidates na kumakain. Malaki ang cafeteria ng school na may tig-aapat na chairs ang bawat table habang may grand table kung saan nasa sampu ang chairs. Napalingon si dean sa amin kaya ngumiti ito.

"Oi kayo pala, let's eat"  ngumiti lang ako pabalik dahil mukhang wala namang balak magsalita ang isang ito.

Pero iisa na lang ang bakanteng upuan sa lamesa nila.
Nakaupo sila sa dalawang grand table ang kaso ay masyado kaming marami.

Ngumiti si Riri nang makita si Sirius kaya napangiwi ako. She patted the vacant seat beside her as she speaks. Gusto niyang umupo si Sirius sa tabi nya.

"Dito ka na Sirius" she said. Napataas ang isa kong kilay sa sinabi nito. Pero wala ako sa mood ngayon na makipag-asaran sa kaniya kaya tinanguan ko lang si Sirius bago iniwan sa pwesto niya.

Pumunta ako sa lamesa na good for four people only. Sana ay walang umupo dahil I'm not really in a mood at these moment. Wala naman kaseng table na pang-isahan lang. Hindi introvert friendly ang cafeteria, sayang introvert pa naman ako. Dejokelang.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang kalagayan.
Nagsisimula na akong magtanong sa sarili sa mga pinagagagawa ko. Tama pa ba ito?

Masyado na ba akong nagiging desperada para mabuhay? Napahilamos ako ng mukha.

'Oh God I'm sorry for using others for my safety' I murmured. I feel bad right now. Susuko na yata ako. Parang biglang nawala ang fighting spirit ko. Bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng ito? Para mabuhay?

Napasabunot ako sa sarili ngunit siniguro kong ako lang ang makakakita. Good thing nasa sulok ang iisang lamesa na ito. Idinukdok ko ang ulo sa lamesa. Arghh, I suddenly felt empty.

Pipikit na sana ako nang maramdaman ang pag-usog ng upuan sa harapan ko. Napaangat ako ng tingin sa taong umupo doon. Blangko ang ekspresyon nito ngunit parang may kung-ano akong naramdaman nang makita sya. Bakit nandito ang yelong 'to?

Tumikhim ako at umayos ng upo. Pagkatapos ay ngumiti ako nang malaki. Kulay vintage brown ang lamesa at upuan habang may maliit na halaman sa gitna.

"Bakit ka nandito iceyelo?" saad ko. Inuga-uga ko ang paa para mawala ang pagka-ilang. He's just staring at me...Blankly as usual. Hindi ko nga alam kung marunong ba itong ngumiti e.

"To eat" prankang sabi nito kaya napangiwi ako. Alam kong kakain, kaya nga cafeteria diba? What I mean is, hindi ba't tinawag sya ni Riri kanina? Sabagay, okay na rin 'yon. He just choose  to be with his legal wife. Dejokelang.

Napahalumbaba ako. Now that he is here, ano nang gagawin ko?

"Are you sick?" tanong nito. Natatawa akong tumingin sa kaniya pero napatikhim ako nang makitang seryoso pala siya sa tanong nya. I composed myself at umayos muli ng upo.

Umiling ako. Hanggang ngayon naniniwala pa rin sya sa sinabi ko. How to unsaid?

Napakamot ako sa ulo.
"I'm just sleepy lang kanina" saad ko. He didn't respond.

"Are you annoyed?" tanong ko. I'm not feeling well, maybe he's not really comfortable with what I am doing. Palagi ko syang kinukulit. Wala naman akong pakealam doon pero,  paano kung hindi ko na talaga mabago ang mangyayari?

Premonition Of Love (Villacano Series #1)Where stories live. Discover now