Chapter 19

46 6 11
                                    


Atahanasia's POV

HALOS masamid ako sa pagtugon niya at napalunok. Ni hindi ako makaimik. I was in the middle of being shocked. I gulped.

Bahagya akong tumagilid at napasapo sa dibdib. Magkaka heart attack ata ako. I averted my gaze to something else.

"A-ah t-tara na" I stuttered. Tanggal ang angas ko doon ah! Napangiwi ako at tumingin sa sneakers na suot ko.

Tumalikod ako nang tuluyan at akmang maglalakad na nang magsalita ito. Ano na naman ba?!

"What happened to your cheeks?" he coldly ask. Bukod sa malamig na ang hamog ay may kasama pa akong yelo. Pasalamat na lang ako at hindi ako naninigas.

Hindi ko rin mapigilang mamangha. Nakita niya ang bandage na pink sa pisngi ko kahit sobrang dilim na sa puwesto namin.

Napahawak ako sa pisngi. He's staring at it with his unreadable eyes. I don't know but he sounds worried. Oh how I love to be delusional.

Lumakad akong muli. Naramdaman ko naman ang pagsabay nya hanggang sa madilim na parte ng kalsada.

"Naano lang d'yan sa tabi-tabi" saad ko at nagmwestra pang tumuro sa kung saan. But he didn't seem convinced by what I said.

Maybe my answer is invalid.

I confirmed that when he asked again.

"What really happened Athanasia?" seryosong turan niya kaya natigilan ako at napangiwi. He looks mad. Inaatake na naman ba siya ng pagiging moody niya?

Itinaas ko ang palad at umaktong sumusuko.
"Okay...Okay...Easy ka lang hon, galit agad" tawa ko at inuntog ang balikat niya only to realize na hindi pala talaga siya natutuwa sa akin.

Ehdi 'wag, doon na siya kay Riri niya!

Natuptop ang bibig ko at napapahiyang tumikhim.

"Muntik na akong mabangga kanina, buti malakas ang kapit ko sa Kanya kaya hindi natuluyan " saad ko at itinuro ang itaas. I am clearly joking. Kahit kailan, basta siya ang kaharap ko, ang hirap magseryoso.

His brow furrowed. Ngumuso ako.

"Nawalan kase ng preno yung...Yung motor ko" saad ko pa. Oo nga pala, problema ko pa ang motor na iyon. Dapat pala inuna kong kumuha ng lisensya.

'Yan unahin mo pa ang page-eavesdrop mo!

Ipinilig ko ang ulo at nagpatuloy.
"Tapos yung mga kasama ko, I just met them kanina. Iniligtas ako ni Crimson, habang si tatay Lemuel ang muntik ko nang makabanggaan" kuwento ko. Nakatingin lang ito na parang hinuhusgahan niya ang mga sinasabi ko. Seryoso?!

Napalunok ako at napakamot sa batok.
"Yun lang..." saad ko at naunang humakbang. Sumunod naman itong muli.

"Ay oo nga pala! Pagkatapos noon, inilibre kami ni tatay Lemuel habang ginagamot ako ni Crimson" saad ko at napa-ismid nang maalala ang bigla niyang pagsulpot.

Oo nga pala. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa ni Riri? Wala naman na ako doon dahil...Dahil...Ayaw ko nang mag-stay. I felt strange. Ngayon ko lang 'yon naramdaman.

"What?" natigil ako sa paghakbang nang tumigil siya. He's dark aura appeared again as if have stated something bad...Really bad.

"H-huh?" lutang kong saad nang humarap ako sa kanya.

"What did you say earlier?" he asked. My brow furrowed.

"Ang alin?" tanong ko pa.

"The line that you've mentioned earlier" mukha siyang nauubusan ng pasensya sa tono niya kaya nagdugsong ang makakapal niyang kilay. Ngumiwi ako. Napaka ano talaga!

Premonition Of Love (Villacano Series #1)Where stories live. Discover now