Chapter 8

53 6 3
                                    

Chapter 8: Academy.

Athanasia's POV

"SURE" Xavier smirked. Ang bilis namang mauto ng lalaking ito. Tuloy may limang libo na ako. Ganoon lang pala mamburaot. Instant money.

Hindi ko sinasadyang napalingon kay Sirius. Nakataas ang isang kilay nito at masama ang tingin sa akin. Malala talaga ang isang ito. Napaka-attitude!

Inilabas nito ang pera at ibinigay sa akin ang five thousand. Mabuti naman at hindi siya pumalag, kung pumalag siya ay tututukan ko siya. Dejokelang.

Napangisi ako sa kaniya at tumalikod na. Babalik na ako sa table namin. Wala naman na akong gagawin, bahala na silang maiwan. May mabuti rin naman palang naidulot ang pag-higit nila sa akin dahil nakapang buraot ako.

"Ate hintay!" sigaw ni Althea. Tumatakbo siya papunta sa akin. Loyal talaga ito sa akin. Sayang, wala akong pampasuweldo.

"Haist, nakakainis talaga si ate Helena. Nab-beast mode ako sa kaniya" reklamo niya at iritang inayos ang buhok na nagulo sa pagtakbo. Natawa ako sa itsura nito. Simangot na simangot. Sabagay hindi lang naman siya.

"Kalma lang" pang-aalo ko sa kaniya. Nag pout ito at humawak sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya ako pinansin at inakay pa ako.

"Balikan natin yung dessert" maloko kong suhestyon na ikinatuwa niya. Excited niya akong hinila sa dessert station. Kumuha kami ng panibagong plato at kumuha ng mga sweets. Mabuti na lang talaga at bumalik kami para rito.

"Hello, mukhang nagutom kayo" napalingon kami ni Althea sa babaeng kakarating lang. She's wearing a cute but elegant and aesthetic white with a spray of sky blue dress or gown. Mahaba ang buhok nito na aabot sa kaniyang beywang ngunit naka-ribbon naman ang gilid habang malayang nakababa ang bangs niya.

Ang cute niya! Living anime ba ito?

"Ikaw pala Snow, ang ganda mo tonight"  ngiting sabi ni Althea, ngumiti naman ito nang matamis. Kaya niya rin ang ginagawa ko pero totoo ang kaniya. Artificial kase ang sa'kin. Smile nga Athanasia.

"Hala, thank you so much po"  nahihiya niyang sabi. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Napaka-transparent niya. Genuine, nahiya tuloy ako. Paano naman akong fake friends? Di, joke lang.

"Hello po, ako po si Thraia Snow, nice meeting you po" saad nito sa akin kaya agad akong napangiti.

"Athanasia Harriette, that's my name"  ngiting sabi ko. Napamaang ako nang pumalakpak ito nang mahina, then she giggled. Seryoso, para siyang bata.

"Ang ganda ng pangalan mo!" tuwang-tuwa na saad niya kaya natawa ako. Well, that's the only thing na ipinagpapasalamat ko sa parents ko. Binigyan nila ako ng magandang pangalan na isinunod sa pangalan ni dad na Athanasius. May pattern din ang mga pangalan naming tatlong babae sa pamilya. Anastasia Helena, Athanasia Harriette at Althea Hiera. Bukod doon, wala na silang nagawang maganda. Eme lang.

"Ikaw din kaya, Thraia Snow" saad ni Althea kaya napakamot ito sa batok at nagpasalamat. I sense nothing but a genuine heart sa kaniya. Mabuti iyon, hindi siya isa sa kanila. Kung isa siya sa kanila baka hindi ko na lang ito pinansin at tatarayan ko pa.

"Oo nga pala, diba papasok ka na sa academy ate?" tanong ni Althea. Natigil ako sa pag-nguya ng chocolate. Oo nga pala, nalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon. Mabuti na lang at may limang libo akong naburaot kay Xavier.

Ipangbibili ko na lang muna iyon ng mga kailangan ko, saka na ako magh-hire ng hitman. Syempre joke lang, nakakapagtimpi pa naman ako. Isa pa ay I can do it by myself, bakit magbabayad pa diba?

"Wow, ibig sabihin magt-transfer ka po? Hala, see you po" saad ni Snow na mas excited pa keysa kay Althea. Hindi ko alam, wala namang nakaka excite sa pagpasok. Mabait na bata.

"Madami nga lang doon na siga at matataray, kaya mag-iingat ka po" saad nito at energetic na ipinakita ang kamao. Napaka-cute.

"Hay, kung ice cream lang kayo, tunaw na kayong dalawa" biglang sabat ni Althea habang kumakain ng iba pang dessert. Hindi ko alam pero napalingon ako sa table nila Sirius. Nakatingin ito ngunit nang makitang lumingon ako ay tinaasan ako nito ng kilay at inirapan.
Aba't ang lalaking iyon talaga, napakataray! Raratratin ko 'yon e.

Ng pagmamahal. Syempre joke lang. Baka ma-shot gun ako rito bigla.

"Bakit matutunaw Althea? Ice cream nasaan?" clueless na saad ni Snow kaya napahagalpak ng tawa si Althea. Napailing-iling naman ako sa kalokohan ni Althea.

"Kilala mo ba 'yon, si Hades?" tanong ko para maki-chismiss. Nakatitig kase ito sa kaniya nang mariin at para siyang gustong ilayo sa akin. I can sense it. Aba Harriette, kailan ka pa naging sensor?

"Hindi po, pero gusto ko siyang maging kaibigan"  ngiti nito. Napangisi ako at lumingon kay Hades. May alas na ako laban sa kaniya!

___________

Premonition Of Love (Villacano Series #1)Where stories live. Discover now