Prologue

6.3K 140 25
                                    


Prologue



Nandito ako sa isang kwarto kung saan inihahanda nila ako para sa aking kasal. Halos magkandarapa sila sa pag-aayos ng buhok ko. Inaayos nila ang makeup ko at ang wedding gown na suot ko.


Maganda ang desinyo ng gown. It was elegant enough for me to look mature and beautiful. Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin. I smiled but it was a smile full of sadness.


So this is how I look wearing a wedding dress. I thought. Instead of feeling happy, hindi ko mapigilan ang malungkot. Pangarap ng lahat ng babae ang maikasal at masuot ang paborito nilang wedding dress.


This is it! I'm wearing a wedding dress, why am I not happy?


I let out a big sigh. Pangarap din kasi ng lahat ng babae ang maikasal sa taong mahal nila. Ibang-iba ang sitwasyon ko sa pangarap na 'yon. I am marrying a total stranger and he's seven years older than me.


Naputol ang pag-iisip ko nang tinawag na ako para sumakay sa sasakyan papuntang simbahan. Kasama ko sina Mama sa sasakyan. They were comforting me and encouraging me to look on the bright side.


Nang makarating sa simbahan, bigla akong kinabahan. Ang daming tao. Nalula rin ako sa laki ng simbahan. Talaga bang ikakasal na ako? Di na ba ako pwedeng magback-out? Shit naman oh!


I found myself walking in the isle, holding a beautiful bouque of flowers and my father beside me as my escort. All the people were smiling except me.


As soon as I reached the altar, the priest started the ceremony. Hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi ni Father.


It was just last month nang makapagkasunduan nilang ipakasal ako sa lalakeng ito...


Kakauwi ko lang galing sa school. I was about to open our gate nang biglang may humablot sa akin at tinulak ako papasok sa itim na kotse. Nagpumiglas pa ako pero wala na rin akong nagawa kundi ang tumahimik.


Di naman masyadong malayo ang tinakbo ng kotse. Pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa pinakamalaking bahay na nakatirik dito. Nang binuksan nila ang pinto para sa'kin, di ako nagdalawang isip na lumabas. Sumunod na rin ako sa kanila sa loob ng bahay.


Pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay opisina ng may-ari. Nakita kong nakaupo sina Mama at Papa sa sofa at nasa one seater naman ang isang lalakeng di ko kilala.


"Anak, ito si Sir Christian Esequiel Guadarrama, siya ang mapapangasawa mo." Halos lumuwa mata ko sa sinabi ni Mama. Nakita ko namang ngumiti yung Sir Gua-guavarama? Ang hirap naman ng apilyedo niya.


"Ano 'yang pinagsasabi mo Ma? Ang bata ko pa para mag-asawa!" Sigaw ko na bahagyang napaatras.


"Wala na kaming ibang paraan anak. Nalulunod na tayo sa utang, bumagsak ang negosyo ng papa mo. We don't have a choice. I'm sorry." Yan lang ang tanging nasabi ng Mama ko.


Ilang araw din akong umiyak no'n pero kahit anong iyak ko, hindi ko na mababago ang desisyon ng mga magulang ko. I have no choice but to accept, ayoko rin naman na maghirap ang mga magulang ko kakabayad sa utang nila.


Nabalik ako sa sarili ko nang kinalabit ako ng katabi ko. Nilingon ko siya at parang nag-aalala ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kanina pa pala ako tinatawag ng pari. Sinabi ko na ang wedding vows ko at isinuot sa groom ang singsing sa kanyang daliri.


"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi ni Father pero tulala parin akong humarap sa groom. Gwapo talaga siya, kahit ilang beses ko siyang titigan. Too bad at sa ganitong sitwasyon kami nagkakilala.


He lift the veil covering my face, it's as if his movements were in slow motion. He cupped my face and I'm surprised of what he did next. He gave me a passionate kiss. A kiss as if he was really in love with me. That kiss marks the biggest change in my life.


Goodbye, Miss Cachuela.


Hello, Mrs. Guadarrama.

Marriage For PaymentWhere stories live. Discover now