Chapter IV

1.1K 64 4
                                    

CHAPTER IV
DINNER AND DATE



"Stop crying like I died or something." Sita sa amin ni Kat pero hindi parin kami tumigil sa pag-iyak.

"It's okay, baby. Nag-aalala lang sila sa'yo and now that you're awake, I think they felt relieved." Mahinahong wika ni Tito.

"Leche kang babae ka! Bigla-bigla ka nalang di papasok tapos mababalitaan naming nadisgrasya ka? Sinong di iiyak? Dahil sa'yo hinayupak na babae ka!" Singhal ni Rei habang marahas na pinahid ang luha sa pisngi at dinuro si Kat.

"Language, Rei." Sita ni Asia dito at nilapitan si Kat habang ako naman ay tahimik na pinapahid ang luha habang nakaupo sa paanan ng hospital bed. "We were so worried. Thank God you're awake." Niyakap niya si Kat at ganun na rin ang ginawa namin ni Rei. Bumitaw rin naman kami agad nang maalala na naririto pa pala si Tito.

"Thank you for taking care of my daughter." Sabi niya ng may tipid na ngiti.

"Dad, you're here." Lahat ay napalingon sa nagsalita. Isang matangkad at makisig na lalake ang nakatayo di kalayuan sa kama. Halata sa kanya ang pagmamadaling makapunta dito dahil sa magulo niyang buhok at butil-butil na pawis na dumadaloy sa kanyang mukha kasama ng paghahabol niya ng hininga.

"Ken! Kailan ka pa bumalik?" Nagagalak na tanong ni Tito. Kuya Ken is Kat's stepbrother, Valerie's older brother. Isang beses ko lang siyang nakita pero hindi ko parin nakakalimutan ang kanyang striktong postura at mga matang nangingilatis ng kaluluwa. Sa madaling salita, medyo nakakatakot ang dating niya sa'kin.

"Just now. I heard the news." He answered in his business tone. Hanggang ngayon ay malayo parin pala ang loob ni kuya kay tito. As he is the oldest son of tito's second wife, it's no wonder he still feels indiffirent towards his second family.

"Kat, we should probably get going? Get well soon." Asia stiffly stood up and marched outside the room. Wala kaming magawa ni Rei kundi ang sundan nalang din siya.

"Bibisitahin ka namin ulit." Paalam ni Rei. "By the way, it's nice to see you again, Kuya Ken." Dagdag niya pa at tuluyan ng lumabas.

Wala akong ibang sinabi kundi ang kawayan na lamang silang tatlo at lumabas na rin. After shutting the door, huminga ako ng malalim.

"So, what's the plan?" Asia inquired and both Rei and I turned to look at each other.

"I have a date at 9pm. So, uuwi muna ako at matutulog. I sure cried a dam earlier, now I feel tired." Rei stated.

"It's already 7pm, kailangan ko nang umuwi." Sabi ko nang macheck ko ang time sa relos ko.

"Okay, I'll go to Dad's office now. Bye guys." Paalam ni Asia at kanya-kanya na kami ng alis ng hospital. Nag-taxi ako pauwi para di na maabala ang driver na sunduin ako.

After a 30 minutes ride, nakarating na rin ako sa bahay. As usual, diretcho lang ako sa paglalakad papuntang kwarto nang biglang may humarang na kamay sa doorknob ng pintuan ko.

Nilakbay ng mata ko mula kamay patungong mukha ng taong iyon at isang nakakunot-noong Christian ang nakita ko. Medyo nagulantang pa ako dahil doon pero agad ko naman iyong nabawi.

"N-nandiyan ka pala." Sinabi ko iyon nang di man lang makatingin sa kanya pero siya ay hindi parin natatanggal ang titig sa'kin.

"Your eyes are swollen." Kinapa ko agad ang mga mata ko. How embarrassing to be seen like this. I didn't expect him to be here so early, these past few days, lagi siyang late umuuwi.

Marriage For PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon