Chapter V

1.1K 68 20
                                    

CHAPTER V
IT'S NOT A DATE


Saturday. The day before Sunday...


Natawa ako bigla sa sinabi ko sa isip ko. Para kasi akong baliw na sinasabi ang obvious na. Hindi ko lang kasi mapigilan ang ma-excite sa gagawin namin bukas ni Christian. Sa TV at internet ko lang kasi nakikita ang mga amusement park na 'yan kaya hindi na ako makapaghintay pa, gusto ko nang pumunta kaagad doon. Pero hindi maaari dahil may meeting si Christian at ako naman ay may lakad kasama si Asia. 


10am pa naman ang usapan namin at alas sais pa lamang ngayon. Saturday nga pero napaaga naman ang gising ko. Ito 'yung araw na dapat sinusulit mo yung tulog mo eh. 


Dahil sa hindi na naman ako makakatulog ulit, nagbihis at naghilamos nalang ako ng mukha at nagmumog na rin. Bumaba na ako at nagtuloy sa kusina. Mga katulong lang ang naroon at nagluluto ng almusal. Medyo disappointed pa ako kasi nasasanay na talaga ako sa luto ni Christian, I am always looking forward to dinner these past few nights. Ang sarap kasi talaga ng mga luto niya. 


Binati naman ako ng mga katulong nang makita nila akong papalapit sa refrigerator. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at sinalin 'yon sa baso. Nakailang lagok pa lang ako nang bigla akong nasamid. 


"A-are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Umuubo parin akong tumatango sa kanya. Si Christian naman kasi, kung hindi ako ginugulat sa pagsulpot niya kung saan-saan, ginugulat naman ako sa suot niya. Nakasuot nalang kasi siya ngayon ng fit na white sando at naka-boxer shorts. Bakat na bakat ang abdominal muscles niya lalo na yung biceps niya. Nakakalaglag panga talaga ang view. Nahalata ko naman ang madalas na paglingon ng mga dalagang katulong sa gawi namin. Maagang nabusog ang mata nila ngayon, napapakagat-labi pa. Napailing na lang ako at binalik ang tingin kay Christian.


Isa rin 'tong manhid na 'to. Pinagpapantasyahan na at lahat-lahat, hindi niya parin pansin. Cool lang siyang lumakad palapit sa'kin at kinuha ang pitsel sa kamay ko.


"Anong oras ba ang meeting mo?" Tanong ko nang malapag ang ininumang baso sa mesa at hindi pinahalatang naiilang ako sa kanya---err, sa katawan niya. Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot.


"Alas otso." Ahh, kaya pala hindi pa siya nakabihis. 


Pinigilan ko ang sarili kong lakbayin ang kabuuan ng kanyang katawan, baka kasi isipin niyang minamanyak ko siya . . . na totoo naman, slight lang. Nagkunwari ulit akong hindi interesado sa get up niya at lumabas na ng kusina. Babalik na ako sa kwarto ko at baka mapansin niya pang nag-iinit at namumula ang mga pisngi ko.


Bakit ba kasi siya lumalabas ng kwarto nang hindi man lang nagbibihis? Hindi lang naman siya ang nakatira rito. Hay, men.


Para mawala sa isip ko ang kataw--- este, si Christian, inaliw ko nalang ang sarili ko sa pag-scroll up and down sa fb ko. Hanggang sa na-bored ako, lumipat naman ako sa youtube. Nanunuod ako ng kung ano-anong videos hanggang sa napansin kong malapit nang mag 7:30am. 


Lumabas ako ng kwarto at naupo sa sofa. Hihintayin ko lang si Christian para makapagpaalam ako sa kanya na baka malelate ako ng uwi kasi pupunta pa ako'ng hospital mamaya para bisitahin si Kat. Kailangan kong magpaalam para hindi na maulit 'yung nangyari noong isang beses na nalate ako ng uwi, halos lahat siguro ng kilala niyang kakilala ako ay kinontak niya. Natatawa ako sa kapraningan niya noong mga oras na 'yun kaya napagpasyahan kong magpapaalam na sa susunod. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya 'yon kanina dahil na rin sa na distract ako sa suot niya. 


Marriage For PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon