Chapter III

1.8K 91 29
                                    


CHAPTER III
Friendship




I screw up.


'Yan lang ang mga salitang tumatakbo sa isip ko ngayon. Seriously, what the hell am I thinking? Pasalamat nalang ako at pinalampas ni Kat ang nangyari kundi sermon na naman abot ko sa kanya. 

Alam kong nangako akong sasama ako ngayong Sabado kay Kurt but after doing a lot of thinking, napag-desisyonan kong i-cancel nalang ito. I'll go and talk to him tomorrow.

"Haaay." I sighed and threw myself on top of my bed. "I'm sorry, Christian." 

"Sorry for what?" 

"WAAA! Oh my God!" Tili ko nang marinig ko ang boses niya. I saw his head peaked inside my room kaya napabalikwas ako ng upo sa kama. What the hell?! "Kailan ka pa nandyan?!" 

"Just now." He shrugged his shoulders and entered my room. "So, why're you saying sorry?" He asked again and sat beside me.

Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya when, as far as he knows, I've done nothing wrong that I should be sorry for.

"Leilani?" Napakurap ako ng ilang beses nang tinawag niya ang pangalan ko. Di ko man lang namalayan na nakatulala na pala ako habang kausap siya. "Is everything fine?" Tanong niya na may bahid ng pag-aalala.

"Everything's fine." I flashed a smile and took his hand. "I'm sorry for causing you trouble the other night." I said, pinching his big manly hands. 

Instead of giving me a reply, he just stared at my face and smiled sweetly. He cupped my face and kissed my forehead. "Silly girl. It's natural for a husband to take care of his wife." He said and walked towards the door. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, lumingon siya sa gawi ko. "Goodnight."

Nginitian ko lang siya at hinintay na magsara ang pinto ng kwarto ko.


***

"Huh? Bakit aatras ka? May nangyari ba?"

"May emergency kasi akong lakad ngayong sabado kaya pasensya ka na talaga, Kurt." Aksidente kong nakasalubong si Kurt sa hallway ngayong umaga kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon para sabihin sa kanya na hindi na ako tutuloy sa lakad namin ngayon sabado.

"Ganun ba? Ano naman yun? Baka sakali may maitulong ako."

"H-huh, naku, 'wag ka na mag-abala at kaya ko na yun tsaka kasama ko naman sina Kat." Sige na please, maniwala ka na at baka 'pag nagtagal, mahuli mo pa akong nagsisinungaling.

"Ah, kasama mo naman pala sila. Sige, ganito nalang. Akin nalang yung number mo para matext kita sa susunod." Suhestiyon niya at agad naglabas ng cellphone. "Oh ano na? Akin na number mo, bilis." Tatawa-tawa niyang sabi nang mapansin na nakatulala na pala ako at titig na titig sa cellphone niya.

Wala sa sarili ko namang binigay ang number ko sa kanya pero nang ibibigay ko na sana yung number ko ay bigla namang nag-bell kaya nagkanya-kanya na kaming dalawa papunta sa aming mga classroom.

Pagkapasok ko sa room, ang tatlong bruha ay naging dalawang bruha nalang. Tinignan lang ako ni Rei at kumaway naman sa akin si Asia.

"Saan si Kat? Himala at wala pa siya dito?" Tanong ko agad sa kanila nang makalapit sa upuan ni Asia.

Marriage For PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon